ch. 16

116 14 15
                                    

c a r e

Kung pwede lang talagang ibalik ang oras, ginawa ko na. Ku ng pwede lang bawiin ang mga salitang nasabi ko, ginawa ko na. Masyado ata akong naging emotional sa nangyari. Hindi naman talaga ako, ma-pride na tao pero...pero ewan ko ba. Ang hirap kausapin ni Henry. Alam ko may mali ako, alam kong alam din niya nay may mali siya. Pero wala ni isa sa amin ang naglakas loob na mauna, maunang magsabi ng 'sorry.'

Bakit kaya ang hirapin bigkasin ng salitang yan no?

Pero feeling ko, hindi ang salita ang mahirap sabihin. Ang mahirap gawin ay ang aminin na nagkamali kami. Napabuntong hininga nalang ako. Paano ko kaya 'to maaayos?

Medyo nagulat talaga ako sa inasal niya noong nakaraan. First time ko kasi siyang nakitang inis na inis to the point na namumula na ang tenga't leeg niya. Nakakatakot pala talaga siya magalit. Kaya pala marami talaga ang takot sa kaniya. That's why 'dangerous' was some sort of his middle name.

Semestral break na, hindi na ako ganoon ka busy. Gusto ko mang umuwi, wala rin naman akong uuwian. Garry, my baby brother is away for his tournament kaya napagpasyahan kong dito nalang muna ako sa city. Hindi na rin ako pumunta sa sinabing surprise party ni Amy para kay Wesley, hindi ko pa rin nalilimutan ang nangyari sa fashion show. At isa pa, wala akong mukhang ihaharap kay Wes!

Habang naghihintay ako sa inorder kong tall americano dito sa coffee shop malapit sa school, nanlaki agad ang mga mata ko sa dalawang babaeng nakapila sa counter! Mila was eyeing the whole cafe, probably searching for empty seats, tatayo na sana ako para makaiwas pero agad niyang hinila si Ebonie nang mamataan niya ako.

Kaya wala akong magawa kundi, ngumiti habang papalit sila sa table ko.

"Gwen! You're here!" Mila squeeled. "Grabe sobrang namiss ka namin! Kamusta ka na ba?"

"Okay lang naman. Kayo?" I smiled.

"Finally stress-free! Finals over eh!" sagot naman ni Ebonie.

"By the way, how are you and Henry? And why is he so grumpy these days?" kumalabog agad ang puso ko sa tanong ni Mila.

I awkwardly let out a laugh.

"Ano kasi, medyo may misunderstanding lang kami. But we're fine. We'll be fine," I lied.

Paano kami magiging okay? Eh halos di kami nagkakausap!

"Kaya naman pala. I thought he was in his man period," ang sabi naman ni Ebonie.

Pinigilan kong di matawa sa komento niya.

"Anyways, uuwi ka ba this break?" tanong bigla ni Mila.

"Unfortunately hindi. Masi-stay lang siguro ako rito sa City," sagot ko naman.

"Perfect! You see, malapit na kasi ang birthday ko, and we're all going to my family's resthouse! You should come with us. You know chill tayo and magrelax!" alok ni Mila.

"Umm...I'd love to pero kasi me and Henry aren't actually talking kaya I think mas makakabuti kung di na ako sumama," ang sagot ko naman, trying to reject her offer nicely.

"Nonsense! You should come!!! You're gonna love the beach and the place! At tsaka, si Henry, nagpapa-cute lang yun sayo, konting lambing mo lang nun naku, agad na kayong magkakaayos!" pamimilit ni Mila.

"Oh you don't understand—," I tried to explain but Ebonie cut me off.

"Please Henry is so smitten by you. Halatang patay na patay sayo. For sure kapag makita ka lang non, bibigay agad yun. Kaya let's go, we got some shopping to do!" ang sabi naman ni Ebonie.

The Weird Existence of HenryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon