w i s h
Nagsipaghanda na ang lahat para sa birthday dinner ni Mila. We're currently inside, distracting Mila. Napagdesisyonan kasi naming i-suprise siya. Ang buong akala niya, bumibili lang ang boys ng drinks pero ang totoo, they're preparing something extravagant just for her.
"Ang tagal naman nila. Birthday na birthday ko, pinaghihintay nila ako!" reklamo ni Mila.
"Oo nga! Asan na ba sila? Siguro nahirapan silang bumili ng booze. Medyo malayo rin naman kasi ang lugar nato sa civilization eh," ang sabi naman ni Rian.
"Oh calm down Mila. At midnight, you'll be eighteen and your ass could finally drink!" ang sabi naman ni Ebonie.
Maya-maya, dumating na ang boys. May dala nga silang mga alak. We went outside, para doon na kumain. Mila requested to have her birthday dinner under the stars. Inihanda ng ale ang masasarap na putaheng ito. Inaya pa nga namin siyang sumabay samin, pati na rin ang kaniyang
apo. Pero tumanggi ito at ang sabi'y gusto raw nilang umuwi.Sa unang tingin pa lang, nakakatakam ang mga hinandang pagkain. Favorite daw kasi ni Mila ang mga ito, kaya puro seafoods ang hinanda. May sinigang na isda, calamares, adobong pusit, shrimp tempura and many more. Feeling ko nga, hindi namin to mauubos eh. But after we said grace, and Timo and Gab started eating...kulang pa pala to samin. Kulang pa nga sa kanilang dalawa.
In the middle of the dinner, biglang tumayo si Henry. He said he has to make a call. Sino kayang tatawagan niya? Binalewala ko nalang. After a few minutes, out of nowhere, biglang lumabas sina Luca at Henry, bitbit ang isang chocolate cake.
"Happy Birthday to you," Gab started singing.
"Happy Birthday to you. Happy Birthday, happy birthday, Happy Birthday to you," we sang in chorus.
Manghang-mangha si Mila. Halatang hindi niya inaasahan na maypa cake. She said, she wanted her birthday to be simple, but a birthday is not a birthday without a cake.
"Dali na! Make a wish!" paanyaya ni Luca, while he's holding the cake. Medyo naiiyak pa si Mila nang lumapit kay Luca.
She closed her eyes, then after a few seconds, she blew the candle. Agad naman kaming nagpalakpakan.
"Nakakainis kayo! Kaya ba ang tagal niyong bumili ng drinks??!!!" tanong ni Mila, habang pinapahiran ang mga luhang kumawala.
Nagsitawanan lang kami.
"But wait, there's more!" ang sabi ni Timo.
"Talaga?!" manghang tanong ni Mila.
Then, biglang may pumutok sa langit, napatingin din agad kaming lahat at lumabas ang mga fireworks na nagsipagputukan sa langit. Wow! It's like colors exploding up in the sky.
"Are those for me?" gulat na tanong ni Mila sa amin.
"Of course! They're for you!" ang sagot naman ni Ebonie.
Then they started taking out their phones, taking pictures of the firework show.
Naramdaman kong may tumabi sa gilid ko, kaya napalingon ako agad. Si Henry pala iyon.
"Ang saya-saya ni Mila oh. Congrats! Successful ang surprise niyo," ang sabi ko sa kaniya.
Halatang tuwang-tuwa si Mila, hanggang tenga ang ngiti nito eh. Maswerte siya sa mga kaibigan niyang mahal na mahal siya. Swerte rin sila Henry dahil kaibigan nila si Mila.
"We just want to make this day very special for her. Both of her parents have different families now. They don't throw her big parties. Mas pinipili nalang nila na bigyan siya ng gifts instead of spending time with her," kwento ni Henry.
Napatingin rin agad ako sa mga kumikislap na mga mata ni Mila. Namungay agad ang mga mata ko. Mila deserves everything in the world. She's the sweetest and most cheerful person I know. Kaya pala naiyak talaga siya sa surpresa nila sa kaniya.
"She always want to celebrate her birthday in this place because she had a lot of beautiful memories here of her childhood. And as her friends, we wanted to make more beautiful memories in this place with her," dagdag pa niya.
"You're such a good friend," komento ko naman kay Henry.
"Ikaw din," he smiled.
Napangiti rin ako. Ibinaling ko ang tingin sa langit. Tapos na ang firework show, habang nanatili kami ni Henry sa table, ang grupo naman ay abala sa pag-groufie. Ang ganda ng langit. Kahit wala masyadong ilaw dito sa beach, maliwanag pa rin dahil sa dami ng mga butuin na kumikinang.
"Ang daming stars," I thought out loud.
"Don't you dare ask one," banta niya bigla sa akin. "You know, I can't give you one."
Napairap nalang ako sa kaniya.
"Hindi kita hihingan no!" ang sabi ko naman.
Tiningnan ko ulit ang langit. Ang ganda talag rito. Sana bumagal ang oras, ayoko pa munang bumalik sa maingay at mataong syodad. Gusto ko munang namnamin ang sariwang hangin at nakakahumaling na tanawin.
"Sige na," nagsalita bigla ang kasama ko.
"Ano?"
"Make a wish upon those stars," utos niya.
"Ha? Ano ako bata? Hindi na no," pagtanggo ko naman.
"Just do it! You never know, it might come true," pilit niya sakin.
"Uto-uto talaga tingin mo sakin no?"
"Dali na!"
Napabuntong hininga nalang ako at ipinikit ang mga mata.
Then I made a wish.
Pagkatapos kong hilingin ang gusto kong mangyari, ibinuka ko ang mga mata at ibinaling ang tingin kay Henry.
"Ikaw? Hindi ka ba magwi-wish?" I asked.
"I already did," he replied.
"Talaga? Anong wish mo?" tanong ko ulit, medyo nacu-curious.
"I wished for your wish to come true."
In that moment, I knew I was in trouble because my heart started beating so fast again.
===============================================
Don't forget to comment and vote! You can also share your thoughts on twitter and just use this official hashtag #TWEOH or you can also follow me on twitter: downcastpoetess
I hope you enjoy reading this book as much as I enjoyed writing it :') This is Patch saying Yes to Happy Reading and Happy life ❤
BINABASA MO ANG
The Weird Existence of Henry
Teen FictionGwen has always been alone. Well that's not entirely true. All of her life, she's been surrounded by people she call her friends but they never treated her like one. She's always surrounded with unfamilliar laughters, estranged parties and indiffere...