Ace's pov
Naglalakad kaming apat ngayon sa hall papuntang classroom. I heard na may new students daw ngayon. Dalawang lalaki daw.
Paano ko narinig? Gamit ang tenga. Share ko lang? Oo. Geh! Tawa dali!
'Yan ang bulungan ngayon. Lalo na ang mga babae. Grabe ang tili! Tsk. Ke-Gwapo daw, matalino, gentleman, mabait. Tsk. Kilala na ba nila? Oh baka naman nagpapanggap lang sila na light diba? Baka dark 'yan sila.
Pumasok na kami ng room at ako naman ay dire-diretsong umupo.
Kasunod 'non ay pumasok si Prof. Reza na may kasamang dalawang lalaki.
Nagsitilian naman ang kapwa ko babae. 'Yung mga lalaki? 'Yun! Wapakels.
Gwapo naman 'yung new students. Mukhang mabait. MUKHANG lang ha? MUKHANG lang.
'Yung isang lalaki ay may blonde na buhok, at kulay abo na mga mata. Todo rin ang ngiti nya. Mukhang makulit. 'Yung isa naman ay may kulay na dark violet na buhok, at kulay dark blue ang mga mata. Seryoso kung tingnan. Pero di sya cold. Sadyang seryoso lang sya.
"Ok class. Before tayong magklase ay meron kayong bagong classmate. Boys, magpakilala kayo."
Unang nagsalita ang may blonde na buhok. "Uhmmm... Hi classmates! I'm Aj Perez. Cloud Manipulator. Please be nice to me!"
Pagkatapos ay nagsalita 'yung dark violet ang buhok. "Denniel Perez. Snow Manipulator. We're cousin. That's all." Seryosong sabi nito at tumingin sa.......... sa akin? Eh? Problem, dude? Heheheh! Joke.
'Omg! Gwapo talaga nila!'
'Yey! May bago ring gwapo rito!'
'I lab u, Aj!'
'Akin ka na lang, Denniel!'
'Omo! Ang cute nilang magpinsan!'
And so on.
Tumikhim si Prof. Reza. "Ok, boys. You can now sit down."
Umupo si Denniel sa likuran ko samantalang si Aj sa kaliwa ni Gail. Panay rin sulyap ni Aj kay Gail.
Alam kong nahalata ito ni Gail pero baka di na ito pinansin ni Gail.
Naramdaman kong nakatitig sa akin 'yung Denniel kaya tumingin ako sa kanya at nagtama naman ang mata namin. Iniwas ko nalang ang mata ko at tumingin sa harap.
---------
"O my! Ang gwapo ni Denniel!" Tili ni Kharline.
"At ang cute naman ni Aj! Grabe!" Tili din ni Gail.
Nagapir pa silang dalawa dahil sa kanilang sinabi.
"Psh... Mas gwapo pa nga ako dun sa Denniel na yun eh!" Inis na sabi ni Xyrus.
"At mas cute pa ako dun sa Aj!" Ani Thris at inis na ginulo ang kanyang maayos na buhok.
"T-Teka... Mas gwapo pa kaya si Denniel!"
"Oo nga at mas cute pa si Aj kesa sayo!"
"Aba! Eto oh! Sa harap mo na ang mas gwapo, Kharline!"
"Ang pangit nga nun eh! Tingnan mo muna kasi ang mukha ko! The most cute kaya 'to!"
"'Wag nga kayong feeling!"
"Oo nga! Nakalabwisit na kayong dalawa, eh!"
"Wow! 'Di kami feeling! Sadyang totoo lang ang sinasabi namin ni Thris! Right, Thris?"
"Yes! At baka naman malabo na ang mata nyong dalawa? Ha?"
"Hoy, Xyrus! Totoo naman ah! Mga feeling!"
BINABASA MO ANG
Evner Academy Of Magics [COMPLETED || UNEDITED]
Fantasy[COMPLETED] [UNEDITED] This is a Fantasy Story. This work is not perfect so expect some grammatical and typographical words. All Rights Reserved.
![Evner Academy Of Magics [COMPLETED || UNEDITED]](https://img.wattpad.com/cover/173619377-64-k375796.jpg)