Chapter 30

2.6K 49 0
                                    

18 YEARS AGO...

"Samuel! Ahhhhhh!" Sigaw ng isang babaeng buntis na manganganak na.

"K-Kaya mo yan!" Pagchi-cheer up ng kanyang asawa na si Samuel.

"Ahhhh! Hooo... Ahhhhh!!" Sigaw ni Sarah.

Sa kanyang isipan, ayaw na nyang magpabuntis kay Samuel dahil masakit manganak.

"Kaunting tiis na lang mahal na reyna! Nakikita ko na ang ulo ng iyong anak!" Masayang saad ng isang babae na nasa 40's na.

At tuluyan na ngang lumabas ang baby at ibinigay sa Hari. "Isang lalaki! Isang prinsipe ang iyong anak, mahal ng reyna at mahal na— Oh jusko!" Napatingin muli ang babae na si Wena sa mahal na hari't reyna.

"A-Ano iyon?" Mahinang sabi ng reyna. "Kambal ang iyong anak, mahal na hari't reyna."

Lumiwanag ang mukha ng mag-asawa dahil sa narinig. "Totoo ba ang iyong sinsabi, Wena?" Kinakabahang tanong ng hari. "Kambal ang aming anak? Masayang masaya talaga ako, Wena." Dagdag ng hari.

"Totoo po, mahal na hari. Mahal na reyna, iri pa!"

"Ahhhh!"

"Iri pa mahal na reyna!" Sabi ni Wena.

"Argh! Ahhhhhh!" Tuluyan ng lumabas ang babaeng sanggol. Maganda ang sanggol na ito gaya ng kakambal nya. Magkamukhang magkamukha.

"Ang gandang mga sanggol." Namamanghang sabi ni Wena habang nakatingin sa kambal na sanggol.

"Ano ang ipapangalan nyo sa kanya, mahal na reyna?" Tanong ni Wena.

"Ang anak naming lalaki ay Blue Silver," Sagot ni King Samuel. Tumingin ito kay Queen Sarah. "Sa anak naming babae ay... Icy Crystal Ace.

"What a nice name..." Ani Wena.

Nagkatinginan si Queen Sarah at King Samuel. Nagngitian silang dalawa. Binigyan ni King Samuel ng isang halik kay Queen Sarah sa noo na pumikit lang.

"I love you..."

"I love you, too..."

AFTER 6 YEARS...

"Mama, papa!" Sigaw ng isang batang babae na nangangalang Icy Crystal Ace o kung tawagin ay Crys.

"Oh baby Crys? Wait, why are you crying?" Nagtatakang tanong mg kanyang ina.

"Kuya Lue-lue don't want to play with me! Wahhh!" Sagot nito at umiyak.

Magsasalita pa sana ang kanyang ina nang biglang may nagsalita na boses batang lalaki.

"Ma, I badly want to sleep!" Naaantok na saad ng batang lalaki na nangangalang Blue Silver na kung tawagin ay Lue-lue.

"You see, Ma, Pa?!" Maktol ni Crys.

"Baby, your kuya wants to sleep, give him an hour. Mamaya na lang kayo maglaro, okay?" Sabi ng kanilang ama.

Bumuntong-hininga na lamang si Crys at nagpunas ng luha. "O-Okay."

Yumuko ang kanyang ina para mapantayan nya. "Baby Crys, don't cry again okay?" Tumango naman si Crys.

Bumaling ng tingin si Crys kay Blue. Lumapit ito dito ng dahan-dahan at agad na yinakip na ikinangiti ng kanilang ina at ama, including Blue.

"Sorry, kuya Lue-lue." Nakapout na sabi ni Crys sa kanyang kuya.

Ngumiti si Blue. "Nah, lil' sis love parin kita."

"Me too, kuya Lue-lue."

~*~

"Ngayon, ipapakilala ko sa inyong lahat ang aming prinsesa—!"

Evner Academy Of Magics [COMPLETED || UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon