Someone's pov
"Mukhang hindi na natin sila ma-ite-train. Nagsisimula na..." Sabi ko at bumuntong-hininga.
Tumango naman ang mga kasama ko nang sumabat si Hera.
"Wala na tayong magagawa pa... at hindi natin sila matutulungan bukod sa basbas natin sa kanila. Mga Gods and Godesses tayo kaya wala tayong ibang magawa kundi ang panoorin na lamang silang maglaban." Ani Hera at tumingin sa'min isa't isa sa mata.
I deeply sighed again.
Mukhang wala na talaga. Nagsisimula na ang laban. Pasensya na mga prinsesa at hindi namin kayo natulungan sa page-ensayo at marami pa kayong walang alam.
Pero huwag kayong mag-alala. We'll guide you. Hindi kami papayag na basta-basta na lamang mananalo ang mga Dark.
~*~
Ace's pov
Nagpanic ang mga estudyante dahil sa narinig nilang pagsabog.
'May ghad! Ano bang nangyayari?!'
'Guys, kung war ngayon, tandaan nyo, mahal ko kayo...'
'Wag kang ganyan girl... Mahal ka rin namin at tsaka, di tayo mamatay ah? Malakas kaya tayo!-
'Una, mga nagpapanggap na prinsesa, pangalawa, kalaban sila, pangatlo, sina Stellah ang tunay na prinsesa, pangapat, sa narinig nating pagsabog!"
'Plss... Ayoko pang mamatay!'
'Ma, Pa, kung mamatay ako ngayon. Tandaan nyo, mahal ko kayo at sana marinig nyo 'to.'
Napapikit ako ng mariin. Bakit ba 'to nangyayari sa'min? Ano bang kasalanan ko't naging ganito?!
Naramdaman kong tumulo ang luha ko kasabay ng pagyakap sa akin ng isang tao.
"Shhhh..."
Napa-iyak na ako ng malakas.
"Ice... A-Ano ba ang n-nangyayari?" Tanong ko rito.
Hinawakan niya ang pisngi ko sa halip na sagutin ang tanong ko.
"Ace, tandaan mo, mahal na mahal kita ha? So please, don't die..." Sabi nito sa akin habang tumitingin sa mga mata ko.
Kita ko ang pakikiusap nito sa akin at gulat kong tinignan siya nang tumulo ang kaniyang luha.
"I-Ice..."
"Ace, promise me."
Mas lalo akong napaiyak.
"I-I promise, Ice. I promise..."
Niyakap niya kaagad ako ng mahigpit na akala mo ay aalis ako.
"Don't die." Bulong nito sa tenga ko at ramdam kong basang basa na ang leeg ko dahil sa mga luha niya.
"You too. Don't die." Bulong ko sa tenga nito at niyakap siya ng mahigpit.
"I love you, Ice..."
"I love you more..."
And we kissed passionately.
~*~
Gail's pov
"Hoy panget..."
Napalingon ako rito at nakita ko si Thris.
"Wag kang mamamatay ha? Mamahalin pa kita..."
Nagulat ako sa sinabi nito. M-Mamahalin niya pa ako?
"H-Ha?" Ayokong masaktan alam niyo ba yon? Masakit umasa eh.
"Mahal kita, panget." Sabi nito sa akin.
"Mahal kita, panget."
"Mahal kita, panget."
"Mahal kita, panget."
"Mahal kita, panget."
Hindi ako umimik. Mahal niya ako? Niloloko ba ako nito? Paulit-ulit itong binabanggit sa ulo ko.
Napansin nito ang pagiging tahimik ko. "I-Ikaw ba? Gusto m-mo ba a-ako?"
Umiling ako. "Hindi kita gusto."
Yumuko ito at napatawa ng mapakla. "A-Ahh akala k-ko kasi..."
Agad ko siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit.
"Hindi kita gusto kasi... mahal kita, Thris."
Nagulat ito. "T-Totoo?"
"Oo naman." Sabi ko at ngumiti ng matamis sa kaniya.
"YES! Mahal na mahal rin kita, panget."
Nagulat ako sa sumunod na pangyayari. He kissed me which I respond.
~*~
Ace's pov
Naghanda na ang lahat.
"Guys... Walang mamamatay ah? Dapat kumpleto pa rin tayo." Malungkot na sabi ni Cass.
"Oo nga, guys."
"Walang iwanan!" Usal ni Gail. "Group hug nga!"
Nagyakapan kaming 14. Akalain mo, lumipas ang ilang taon, digmaan na. Ang bilis ng takbo ng oras eh.
Pero sana, pagkatapos nito, Walang mababawas sa amin. Malakas nga kami pero, pa'no yung mga kalaban?
Si Demorica...
Kailangan nga ba siya umatake rito? Ah 2 months ago. Hindi ko ba nabanggit? Habang nagte-training kaming magkakaibigan kasi ay bigla na lamang may sumabog dun sa part ng garden.
Nagulat kami kasi may sampung mga halimaw ang naroon. Lumaban kami pero ang lakas ng halimaw. Nagulat nga rin kami kasi may biglang lumitaw na dalawang babae at isang lalaki ro'n.
Napagalam namin na si Demorica at ang mga anak niya 'yun. At sinabing,
'Maghanda kayo sa paghihiganti namin, Lightanians. Dudurugin namin kayong mga Light at mamumuno ang mga Darkanians!'
Kasabay no'n ay tumawa siya ng malakas at biglang nawala na parang bula.
Kaya dun nagsimula ang lahat na magtraining ng seryoso at maayos. Lumavel up naman sila. Lalo na ang mga Lower Class. Naging malakas talaga sila.
Mas mabuti ng mamatay ako kesa ang mapahamak sila.
Pero ano naman ang magagawa ng pagkamatay ko di'ba? Malay mo, pagkamatay ko ay dun sila susugod sa Light tapos sila ang mamumuno? Gusto kong lumaban. Gusto ko ng patas. Walang daya. Patas lamang. Pero kilala ko ang mga Darks, hindi sila lumalaban ng patas. Mga mandaraya.
Alam kong hindi kami full train. Kaming apat nina Gail. Pero marami akong nalaman tungkol sa kapangyarihan ko. Malakas ang Ice Power ko. Lagi akong nagte-train ng hindi nila alam kasi ang alam nila. It's either matutulog ako sa dorm, pupunta sa Library, or tatambay sa garden.
Napalibot ako ng tingin. Handa na ang lahat pero bakas pa rin sa mga mukha nila ang lungkot.
Iba na rin ang mga suot namin.
Ang pagsabog na nangyari kanina. Sinadya 'yon.
Flashback
Nang nangyari ang pagsabog ay napatakbo kami ro'n. Napanic ang estudyante na pinapakalma na ng mga ibang guro na naroon.
Imbes na mga kalaban ang nakita namin, isang papel lang ang bumungad samin.
Malaki ang papel na kasing laki ng flat screen.
May nakasulat rin ro'n gamit ang dugo na,
'Get ready for the war, Lightanians. We'll win this fucking war. I'll give you 1 day to prepare.'
End of Flashback
Kaya naghanda na kami para sa paparating na digmaan. Kahit 1 day lang ang ibingay ni Demorica ay nagensayo pa rin kaming lahat. Lalo na ang mga estudyante, 7:00 AM to 6:00 PM sila nagensayo. Kaya lalo silang naging malakas.
~~~~~
Next--
BINABASA MO ANG
Evner Academy Of Magics [COMPLETED || UNEDITED]
Fantasia[COMPLETED] [UNEDITED] This is a Fantasy Story. This work is not perfect so expect some grammatical and typographical words. All Rights Reserved.