Ace's pov
In her dreams...
Nandito ako ngayon sa isang lugar na puno ng yelo at nyebe. May snow flakes rin na nahuhulog mula sa itaas.
Ang mga puno naman ay iba. Ang kahoy nito ay kulay puti gaya ng nyebe. Ang mga dahon naman ay kulay asul na gaya ng yelo.
Maganda dito, tahimik, presko, pero nakakapagtaka kung bakit hindi ako nilalamig. Dahil yelo rin ang kapangyarihan ko?
"Nasaan ako?" Bulong ko sa sarili ko.
"Nandito ka sa lugar ko, prinsesa." Nagulat ako ng may sumulpot na maganda babae sa harapan ko.
Kulay blonde ang buhok nya at kulay asul gaya ng yelo rin ang mata nya.
"Sino ka? Ang lugar 'to? Bakit ako nandito?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya at tumingin sa paligid.
"Ako si Goddess Hera, ang Goddess of Ice. Ang lugar na ito ay Icero. Nandito ka dahil itetrain kita."
"T-Train? Why?" Tanong ko sa kanya at nagtatakang tumingin sa kanya.
"Para mas maging malakas ka, princess." Sagot nya.
"Ite-train kita para mas maging malakas ka dahil kailangan. Iyon ang misyon ko dito, princess." Dagdag nya at ngumiti ng matamis.
"S-Sige. Pero, ilang araw ako dito magtetraining?" Tanong ko ulit.
"5 weeks." Sagot nito.
"5-5 w-weeks?!" Gulat kong sabi na pasigaw.
"Yes, 5 weeks. But don't worry, 5 weeks dito sa Icero pero sa Magic World ay 5 days lang." Sagot nito kaya napahinga ako ng maluwag.
"Let's start?" Tanong nya kaya tumango ako.
---------
Makalipas ng limang taon... joke...
After 5 weeks...
"Magaling, princess." Nakaingiting sabi ni Goddess Hera.
"Salamat." Sagot ko.
"Ngayo'y malakas ka na kaya ngayon ay makakabalik ka na. Hanggang sa muli nating pagkikita, princess." Sabi nya at ngumiti. Ngumiti ako ng tipid.
"Bye Goddess Hera." Pagpapaalam ko bago ako nagising sa isang kwarto.
Bumungad sa akin ang puting kisame.
Nakita kong natutulog ang lahat. Ang mga girls ay nakahiga sa sofa. 'Yung boys except kay Ice na di ko alam kung nasaan ay nakaupo sa sahig. Wow, gentleman.
Napatingin ako sa orasan at 1:38 pm pa lang. Baka pagod lang sila.
Napatingin rin ako sa gilid ko at laking gulat ko na naroon ang ulo ni Ice sa kamay at braso ko.
Nakahawak sa kaliwang kamay ko si Ice habang nakapatong ang ulo sa braso ko.
Dahan-dahan kong kinuha ang braso ko para di sya magising.
Bumangon ako at halos sumigaw ako dahil sa sakit ng buong katawan ko lalo ng ang leeg ko.
Hindi pa ako nakakalimang hakbang ng narinig kong ang pag-unggol ni Ice. "Hmmm..."
Minulat nya ang mga mata nya at napatingin sa akin. Nakita ko na nagulat sya.
Dali-dali syang tumayo at inalalayan nya ako.
"Bakit ka tumayo?" Tanong nya kaya sinamaan ko sya ng tingin kaya napataas sya ng kilay. Bakla ba 'to?
"Bawal?" Balik kong tanong at umiling naman sya.
"Hindi naman. Are you hungry? May masakit ba sayo? Tell me."
"OA mo masyado. At oo, gutom ako kaya samahan mo ako sa caf." Sagot ko sa mga tanong nya.
"Ok ka na?" Tanong nya.
Tumango ako bilang sagot sa tanong nya.
Lumabas kami at pumunta ng cafeteria.
Umupo ako samantalang si Ice ay pumunta ng counter para magorder.
Bumalik sya at halos lumuwa ang mga mata ko sa dami ng inorder.
"A-Ang dami n-nyan." Nauutal kong sabi.
"Just eat. Look at your body, ang payat-payat mo." Sabi nya at inilapag ang mga pagkain sa mesa.
"Tsk. Payat mo mukha mo." Bulong ko.
"You sayin' something?" Tanong nito kaya umiling ako.
Habang kumakain kami ay biglang dumating sina Gail.
"Yow! Namiss ka namin, Ace!"
"Ang tagal mong matulog!"
"Oo nga!"
Maktol ng mga girls at yumakap ng mahigpit sa akin.
"A-Aray! I c-can't b-breath!" Reklamo ko.
"Sorry!" Sabay na sabi nila.
"Just eat, 'wag nyo muna akong istorbohin dahil gutom na gutom na ako. Okay?" Tumango naman sila.
Kumain kami habang sila ay nagaasaran.
Tahimik ako kaya 'wag kayo! Tsk.
--------------
"Ano ba, panget?!"
"Anong ako na naman, Tangek?!"
"Wag mo nga akong tawagin na tangek!"
"At wag mo rin akong tawagin na panget! Dahil maganda ako!"
"Wow! Nahiya naman si Marian Rivera sayo!"
"Bakit ikaw, gwapo ka ba ha?!"
"Oo! Kaya nga maraming nagkakagusto sakin eh!"
"Wow rin! Nahiya rin si Dingdong Dantes sayo!"
"Psh. Panget!"
"Tangek!"
"Pang-!"
"Manahimik nga kayo!" Sigaw ni Cass sa kanila. Nagbabasa kasi sya ng libro.
"Oo nga!" Sabi rin ni Kharline.
"Baka naman ay kayong dalawa ang magkatuluyan nyan?" Pangaasar ni Clone sa kanila na agad namang binatukan ni Lisle.
"Alam mo ikaw? Asar ka ng asar!"
"Bakit? Inggit ka? Wag kang mag-alala, tayo rin ang magkakatuluyan sa huli."
Namula naman si Lisle at binatukan ulit si Clone.
"B-Bwisit ka!"
"Uy! Nagba-blush!"
"H-Hindi ah!"
"Blushy-blushy!"
"Hindi nga sabi eh!"
"Nagba-blush sya-!"
"MANANAHIMIK KAYO O IBUBUHOS KO 'TONG MAINIT NA TUBIG SA INYO?!"
Natahimik sila sa sigaw ni Cass.
"ANO NA?! SAGOT!!"
"M-Mananahimik n-na kami!" Nauutal na sabi nila.
"Tsk. 'Yan kasi ang iingay!" Sabi ko at ngumisi.
"Sorry naman." Sabi ni Clone at nagpout.
"Duck." Cold na sabi ni Ice kaya mas lalong ngumuso si Clone.
"Ang cute ko kaya!" Maktol nya.
Diring-diri na kami kaya binatukan namin syang lahat.
"O-Ouch!"
"A-Aray!"
"T-Tama n-na!"
"Sumosobra n-na kay-! Aray!"
"A-Ano ba?"
--------------
Next---
![](https://img.wattpad.com/cover/173619377-288-k375796.jpg)
BINABASA MO ANG
Evner Academy Of Magics [COMPLETED || UNEDITED]
Fantasy[COMPLETED] [UNEDITED] This is a Fantasy Story. This work is not perfect so expect some grammatical and typographical words. All Rights Reserved.