Ace's pov
Ring!
Ring!
Ring!
Shit!
Tinakpan ko ng unan ang tenga ko. Bwisit! Nakulangan ako sa tulog. Hindi kasi ako makatulog kagabi eh.
[Flashback]
Kumakain kami ngayon dito sa dorm. Syempre ako nagluto eh.
Pagkatapos ay nagprisinta naman na si Lynn na lang ang maglalaba ng mga plato.
Pumunta na ako sa kuwarto at humiga sa kama. Napatitig ako sandali sa kisame nang tumunog ang phone ko.
Kinuha ko ito at binuksan ang message.
From: Babe♡[ICE]
Good night, babe. Sweet dreams♡~
Napangiti na lang ako sa minessage nya. Nagreply naman ako.
To: Babe♡[ICE]
Good night too, babe♡ Sweet dreams♡
Nagvibrate ulit ang phone ko. Tanda na nagreply si Ice.
From: Babe♡[ICE]
See you tomorrow~
To: Babe♡[ICE]
Okieeee♡
In-off ko na ang phone ko at natulog na pero...
*Bogshhh*
Napatayo ako dahil sa ingay na nanggaling sa kabila ng kuwarto ko.
"One touch and I ignite~!"
Napatakip naman ako ng unan dsa tenga ko dahil sa pagkanta ni Gail ng song na 'Ignite' by Alan Walker.
Nakatulog lang ako ng sumapit ako 1:00 am. Hindi ko sya mabatukan dahil nakalock ang pinto nya at kapag sisigaw naman ako, hindi naman nakikinig. Hindi ko rin masira ang pinto dahil tinatamad ako at gusto na talagang matulog.
[End of Flashback]
Ring!
Ring!
Ring!
Dahil sa galit at inis, kinapa ko ang alarm clock at tinapon ng kung saan kasabay non ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.
"Ace - ARAY!"
Tss. Natamaan ata ng alarm clock. 'Yan kasi, ang ingay. "ANO BA NAMAN 'YAN, STELLAH ACE! ILANG ALARM CLOCK NA BA ANG SINIRA MO?! HA?!"
Because of her voice, nagising ang diwa ko. Sa lakas ba naman ng boses niya? Sinong 'di magigising? Tss.
"GET LOST!" I shouted.
"DALIAN MO'T MALALATE NA NAMAN TAYO DAHIL DYAN SA KATAMARAN MO!" Sigaw nito. I nodded in response.
Umirap ito at lumabas na sabay isinira ang pinto ng bagsak. Tss.
Bumangon na ako. Naligo. Nagbihis. Nagayos. Nag-almusal.
Lumabas na kami ng dorm. Actually, late na kami. Habang naglalakad kami, feeling ko may masamang mangyayari mamaya. And I know na may mga matang nakamasid samin. 'Di naman ako manhid para di mapansin 'yon.
Natauhan ako ng may naramdaman kong may pumalo sa kaliwang braso ko. Sinamaan ko naman ito ng tingin.
"Heheheh... Sorry, Ace. Ito kasing Gail na 'to eh! Imbes na 'wag ng umiwas!" Usal ni Cass at tinuturo-turo pa si Gail.
"Hoy! Kung 'di naman ako umiwas, ako ang matatamaan? No way! Norway!" Ani Gail sabay irap at nagflip hair.
"Duhh... 'Kala mo kung sino maganda eh hindi naman kagandahan." Sabi pa ni Cass at tumingin kay Gail ng head to toe.
BINABASA MO ANG
Evner Academy Of Magics [COMPLETED || UNEDITED]
Fantasía[COMPLETED] [UNEDITED] This is a Fantasy Story. This work is not perfect so expect some grammatical and typographical words. All Rights Reserved.
![Evner Academy Of Magics [COMPLETED || UNEDITED]](https://img.wattpad.com/cover/173619377-64-k375796.jpg)