Kabanata 5
"aray ko ano ba!"
paglingon ko ay si louise lamang pala ang nakahawak sa braso ko na ramdam ko ang mga kuko niya na lumulubog na sa balat ko.
"pwede bang tanggalin mo yang madumi mong kamay sa braso ko"
ramdam ko ang hapdi sa mukha ko nanlilisik na tinignan ko siya sa mata.
ang kapal naman ng mukha niya para sampalin ako sumosobra na siya daig pa niya ang broken-hearted niyang kaibigan.
"ang lakas parin ng loob mo makipag kita sa lalaking yan sinasaktan mo lalo ang damdamin ni xyrus"
"h-ha? ano bang sinasabi mo ha? alam mo kulang na lang mapagkamalan ko na may gusto ka kay xyrus at— oh hindi kaya may gusto ka talaga kay xyrus kaya gumagawa ka ng dahilan para mapaghiwalay kami"
"what?"
nakita ko ang itsura niya na naiilang at namumula na so may gusto siya sa boyfriend ko
"oh louise may gusto ka pala sa boyfriend ko pano na lang kung malaman ni bea na ang isa niya sa kagrupo ay may gusto sa ex niya"
"hindi ko alam ang sinasabi mo"
"sa mga bibig mo pwede ka pang magsinungaling pero ang mata mo ay nagsasabi ng totoo"
hinigit ko na ang braso ko sa kaniya at ramdam ko ang hapdi nito dahil sa tulis ng kuko ni louise binaon niya talaga ito sa balat ko at nagkaroon ako ng sugat dahil sa ginawa niya.
bitch ako sa bitch. pero mabait ako sa mabait.
hindi ko alam bakit naging ganiyan ang ugali ni louise ibang iba sa ate niya.
nang talikuran ko siya ay bigla siyang nagsalita
"makakarating kay xyrus lahat to"
biglang may tumigil na kotse't bumukas sara ito ng lumingon ako wala na si louise.
ramdam ko na naman ang mainit sa aking pisnge akala ko kaya ko kalabanin si louise pero ng sabihin niya iyon mas lalo akong nanghina.
dumaan ako sa likod ng bahay dahil baka makita nila ang namumula kong mata kaso nagulat ako ng marinig ang nagsasalit
"ano yung nakita ko xyrus ha? mahigit isang buwan at tatlong linggo palang nawawala si lieza jan sa manila tapos kalandian mo na agad yang ex mo, kapag nakita ni justin yan hindi ko alam ang mangyayari sa inyo"
napatakip ako sa bibig ng marinig ang pangalan ng mahal ko anong nangyayari? anong kalandian niya ang ex niya?
naglakad pa ako ng makita ko si michael na nakatingala sa puno dito sa likod ng bahay nila lola.
"matagal ko nang gusto si bea bago pa siya maging leader ng cheerdance sa school"
nagulat ako ng magsalita si michael so naramdaman na pala niya na andito na ako kanina pa.
"hindi ganoon dati si bea, lahat ng ugali niya ngayun kabaliktaran noon, alam mo bang sobrang close namin ni bea bago kapa mapadpad sa xavier grade 10 siya noon at ako naman ay G11 senior high, siguro naimpluwensiyahan siya nila jade at jane"
BINABASA MO ANG
It's too late [ On-Going ]
RomanceSana naging matapang ako pagdating sa kaniya. Edi sana hindi ako nagsisi ngayon sa huli. -Hindi ako naniniwala sa love at first sight sabi sabi lamang yan tss. Ehlieza -Simpleng babae lang naman ang kailangan ko at mamahalin...