Kabanata 9
Ehlieza's Point of View
Aray ang sakit naman ng sinag ng araw sa mukha ko...
babangon na sana ako para maibaba ang kurtina at mapagpatuloy ko ang tulog ko ng biglang kumirot ang ulo.
idinilat ko ang mga mata ko at sumandal sa likod ng kama ko, hindi talaga biro ang paginom ng alak tss, pinikit ko muli ang mata ko at sinandal ang ulo sa likod ng kama ko..
nang maalala ko -paano ako nakauwi at naihiga sa kama ko?- hys mamaya ko na lamang uli iisipin yan dahil amoy na amoy ko parin ang amoy ng alak sa katawan ko...
nang matapos ako maligo at mag ayos ay pumunta ako sa table ko at magaayos sana ng mukha ng maagaw ng atensyon ko ang matagal tagal ko nang hindi nakakain ang pagkain na ito. kung sino man pong mabuting tao ang nagbigay ng donut at coke sa akin love na kita hahaha [echoss].
habang ngumunguya ako ng donut ay naghahanap ako ng damit na masusuot papunta mall dahil balak ko na sanang pagandahan ang kwartong nilaan sa akin ni lola.
hindi ko naubos ang donut dahil sobrang dami nito, napakabait naman ng tao nagbigay nito sa akin. tinabi ko muna sa ref ang coke na natira ko at donut binilin ko rin ito kay ate miles na huwag ipapagalaw kahit kanino ang pagkain ko sa ref.
si ate miles ay katulong nila lola sa bahay pero hindi namin siya tinuturing na katulong sa bahay dahil ganon ang sinabi sa amin ni mommy at lola.
nakabihis na ako at paalis na ng magsalita si lola sa likuran ko...
"sino ka?"
ha? hindi ako nakilala ni lola. ah oo nga pala nagpagupit ako ng short hair kaya siguro hindi ako nakikilala ni lola..
unti-unti akong humarap sa kaniya at nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni lola...
"Diyos ko po ehlieza bakit ka nagpagupit? sinayang mo ang buhok mo. hindi rin tuloy kita nakilala sa lagay mo ngayun."
ngumitia ko kay lola at sabay sabing
"bagay ba la?"
natawa si lola sa akin at umiling iling kahit ako sa sarili ko ay natawa sa tanong ko kay lola, pansin ko narin na nagiging malapit na kami kay lola at lolo dito ng mga kapatid ko.
"oo apo bagay pala sayo ang maikling buhok pero sayang nga lang ang mahaba mong buhok"
ngumit na lamang ako kay lola at sabay halik sa pisnge niya...
"la mauna na po ako marami pa po kase akong bibilin"
"para saan ba iyang mga bibilin mo?"
"para po sa kwarto ko lola dahil balak ko na itong pagandahin bago mag simula ang pasukan"
ngumiti sa akin si lola at tumango...
"osige magiingat ka ha. magtatricycle ka lang ba?"
"opo lola e"
"nasan ba si karen bakit hindi ka magpasundo duon"
"lola bestfriend ko lang si karen hindi ko siya driver tsaka baka may pinagkakaabalahan yun la"
BINABASA MO ANG
It's too late [ On-Going ]
RomanceSana naging matapang ako pagdating sa kaniya. Edi sana hindi ako nagsisi ngayon sa huli. -Hindi ako naniniwala sa love at first sight sabi sabi lamang yan tss. Ehlieza -Simpleng babae lang naman ang kailangan ko at mamahalin...