Kabanata 8
Kean Point of view
"mam, sir magsasara na po kami within 30 minutes po"
sabi ng guard sa amin.
"pwede bang dito na lang ako matulog"
nagpacute pa itong si lieza akala naman niya makukuha niya sa paganiyan ganiyan yung guard.tumingin naman sa akin yung guard at ngumiti ako dito sabay tango sign na lalabas narin kami.
nang makaalis na yung guard ay pinagmasdan ko si lieza papungay pungay na ang mga mata niya."siguro tama nga yung narinig ko kay jade na ginamit lang ako ni xyrus kase bored siya"
kahit hindi ko kilala ang mga pangalan na binabanggit ni ehlieza sa akin ay handa parin akong makinig sa kaniya para mas makilala ko ang mga taong iyon.
"sobrang sakit ng ginawa ni xyrus sa akin sobra sobra ang ginawa niya"
nagiba ang boses ni lieza at pinupunasan na niya ang pisnge niya, tama nga ang hula ko naiyak siya.
"mahal na mahal ko yung lalaki nayon e kaso hayup nga lang hindi niya man lang ako pinagpaliwanag dinala agad siya ng galit niya. bakit ba may mga ganong klaseng ugali ang mga tao tsk nababadtrip ako"
"tapos ang kapal pa ng mukha niya magpaliwanag sa akin bakit ako ba pinagpaliwang niya, tsk pailoveyou iloveyou pa, pasorry sorry pa akala naman niya madadaan parin niya ako sa mga sweet voice niya"nagiba na ang boses ni lieza dahil umiiyak na siya tama nga ang pakiramdam ko kanina sa kaniya na puno siya ng lungkot ngayung araw.
ilang minuto din siyang umiiyak at pasinghot singhot, pinabayaan ko lang siya dahil naramdaman ko na ang nararamdam ngayun ni lieza.
nakita ko ang guard na pabalik na sa amin at sinenyasan ko ng 10 minuto pa, tumango naman ito sa akin kaya napahinga ako ng malalim at pagtingin ko sa pwesto ni lieza ay nakaupo na siya't nakayuko.
"sorry kung sayo pa ako umiyak haha umiyak nadin naman ako kay karen pero alam kong ayaw na ako makita ni karen na umiiyak sa kaniya umiyak nadin ako kay athena, bestfriend yun ni xyrus hayaan mo next time papakilala ko sayo ang mga yun"
hinila ko na ang braso ni ehlieza at pag angat ng ulo niya ay nakapikit na siya aba matindi to ah nagsasalita kahit nakapikit, inakbay ko na sa balikat ko ang braso niya dahil sa hindi na niya maayos ang tayo niya siguro dahil narin sa pagod.
nang naglalakad na kami ay bigla siyang nagsalita at hinawakan ang pisngi ko.
"hoy ikaw kupal kung magugustuhan mo man ako effortan mo tapos ayoko na gagawin mo din akong panakip butas lang ha! tska kapag nagkakagusto ka saken dapat lagi moko dinadalan ng donut na circle yung orange favorite ko yun tapos minsan samahan mo nadin ng coke ha!"
tinuro turo pa ni lieza ang mukha ko at hinahampas hampas ang mukha ko.
lasing na talaga itong babaeng ito, iinom inom ba naman hindi pala kaya.pagkarating namin sa kotse ko ay sinandal ko muna siya para makuha ang susi ko at makaalis na kami, nang makapasok kami sa loob ay tinawagan ko si karen.
"Hello?"
"K nakauwi ka naba?"
"oh kean ikaw pala, oo bakit?, oy naiuwi mo ba ng maayos si lieza?"
"Sshhh wag ka ngang sumigaw jan, ito na nga nagdadrive na ako papunta sa bahay nila lieza tawagan mo naman si michael tapos pumunta ka narin dun sa bahay nila hindi ko na kase kayo matutulungan maipasok si lieza sa bahay nila, may hinahabol pa kase ako"
"ah ganon ba sige tawagan ko lang si michael papunta narin ako sa kabilang street lang naman bahay nila e, osiya bye na magingat ka sa pagdadrive ah bye"
BINABASA MO ANG
It's too late [ On-Going ]
RomanceSana naging matapang ako pagdating sa kaniya. Edi sana hindi ako nagsisi ngayon sa huli. -Hindi ako naniniwala sa love at first sight sabi sabi lamang yan tss. Ehlieza -Simpleng babae lang naman ang kailangan ko at mamahalin...