Kabanata 10

10 2 0
                                    

kabanata 10

Umubo-ubo si david habang nanguya ng cookies at nagsasalitan ng paningin sa aming tatlo.

"ah eh haha sakto hindi ako marunong magpintura buti na lang nagprisinta kayo magpintura hehe"

masiyadong awkward kaya lalabas na sana ako ng marinig kong bumukas ang gate at nangingibabaw ang bunganga ni michael.

"ayan kase sinabi ko na sayo babe sakin ka na lang tignan mo tuloy ang lungkot ng mukha mo at magang maga ang mga mata mo kawawa naman ang misis ko asan ba yang si jeremie ha! masapak nga"

nagtawanan naman ang dalawang kambal dahil sa sinabi ni michael, nang makita ako ni karen ay tumakbo siya sa akin at yumakap hinaplos ko ang buhok niya pati narin ang likod niya.

tumingin ako kay clarence at kean na parehong nakatingin sakin pero nang tignan ko ng saglit sign lang si kean ay naintindihan niya kaya pinapasok niya muna ang mga tropa niya sa sala namin, pero itong si michael ay nagpupumilit.

"ano ba kean dadamayan ko nga yung baby ko e hayaan muna ako"

inirapan ko si michael at inambaan ng kamao ko para tumigil na siyang, nang papunta na kami sa likod ng bahay ay pinaupo ko sa damo si karen at sinandal ko ang ulo niya sa balikat ko. naalala ko tuloy si karen din ang nanjan ng mawasak ako dito rin nangyari yun kaya kailangan ngayun malakas ako para kay karen naman.

"ano bang nangyari K? bakit biglaan na lang kayong naghiwalay niyang si jeremie e isang beses ko pa nga lang yan nakita"

"bes kasalanan ko nakita ni daddy ang text sakin ni jeremie"

"ha?hindi pa ba alam nila tito? eh bakit kase di mo sinabi?"

"hindi ako natakot magsabi kayla daddy bes pero nang mabasa niya ang text sakin ni jeremie sinabi niyang layuan ko ito dahil ayaw niya kay jeremie, pinapili ako ni daddy bes pagaaral o si jeremie, alam mo naman ako bes diba hindi ko masusuway si daddy dahil kahit si mommy ay ayaw ako kampihan, kaya hiniwalayan ko si jeremie bes huhuhuhu, tapos ang masaklap pa bes grounded ako ngayun sa lahat ng gadgets kahit susi ng car ko bes kinuha ni daddy bawal nga din dapat akong lumabas bes kaso ng malaman ni daddy na si michael naman raw ang sumundo sa akin ay pinayagan niya ako"

umiyak ng umiyak si karen sa balikat ko hinahayaan ko lang na mailabas niya lahat ng luha niya para isahang sakit na lang dahil ako onti-onti ko nang nararamdaman uli ang kapayapaan sa puso ko, unti-unti konang nararamdaman ang pagkawala ng feelings ko para kay xyrus.

nang aayusin ko ang damit at buhok ni karen sa likod niya ay may napansin ako na nagtutulakan sa pinto sa likod. nakita ko ang mga kumag na ito na nagsisiksikan para lamang marinig ang pinaguusapan namin, nang makita ko si kean sa ay tinignan ko siya ng masama at tinuro ang mga tropa niya na umalis, pero itong si michael ay nakapangalungbaba lamang kay karen habang tulalang tulala hindi niya rin siguro napapansin ang mga tingin ko sa kaniya kaya mas maganda na siguro na magusap sila ni karen dahil alam kong maraming alam jan si michael.

"bes may gusto yatang kumausap sayo maiwan ko muna kayo ah wag kang magtataray sa kaniya bes ha! gusto ka lang niyang damayan, iloveyou alam kong ikaw ang klase ng tao na hindi magtatagal sa pagkaka broken hearted dahil yaan ang sabi mo sakin hindi ka magtatagal sa pagmumukmok osige na ayusin mo na yang sarili mo mauna na ako sumunod ka sa loob ah"

nakita ko namang nagpunas na ng luha si karen at tumingin sa puno naming nasa likod, nang naglalakad na ako papunta sa side ni michael ay napansin kong wala na ang ibang kumag kundi si kean at michael na lamang ang nandun nataranta si kean dahil akala niya ay malalagot siya sakin dahil nandun parin sila pero ng akma niyang kakalabitin si michael ay ngumiti ako sa kaniya at inawat siya, pinantayan ko ang pagkakaupo ni michael at biglang nagsalita...

It's too late [ On-Going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon