Kabanata 11

12 1 0
                                    

Kabanata 11

"lieza saan to ilalagay?"

nagulat ako sa biglang pagsingit ni clarence sa gitna namin ni kean, kaya hindi ko na makita ang reaksyon ni kean, tumingin na lamang ako sa muka ni clarence at ngumiti sabay sabing...

"duon banda hehe thankyou"

ngumiti siya sa akin at naglakad na palayo, sinundan ko ito ng tingin hanggang makapasok sa kwarto ko tss weird.

"ehem eehem ehem"

napatingin naman ako bigla kay david at tatawa tawa siya sabay nginuso ang direksyon ni kean kaya tumingin naman ako kay kean at biglang ngumiti ito sa akin, kaya napangiti na lang din ako sa kaniya.

"kain tayo mamaya sa labas treat ko"

sabay akbay sa akin ni kean. hmm napaisip ako hindi lang naman siya ang tumulong sa akin mag ayos diba, ah wait kami lang ba munang dalawa? or meaning niya kaming lahat agh..

"sama kami haa"

napansin yata ni karen na hindi ko alam ang sasabihin kaya siya na ang sumagot, binaba na ni kean ang kamay niya at ngumiti saming lahat sa sala.

"sige ba basta kasama si lieza ha, ayusin ko muna kwarto mo misis ko"

nagulat ako sa sinabi ni kean kaya napatingin ako sa kaniya na lalakad lakad na nakangiti at sumigaw ako..

"kean....... a-anong sabi mo"

"yes misis ko?"

agh God inulit pa ng kumag na to tss...
tumalikod na siya at narinig ko ang tawa ni david, tili ni karen kaya inirapan ko na lamang sila kabanas tss..

alam naman siguro ni kean na broken ako ngayun no tapos—— sana talaga nagbibiro lang siya dahil hindi ko alam kung masusuklian ko ang nararamdaman niya ayoko ng nakakasakit mas okay na sakin na ako ang nasasaktan—— ayoko makasakit ngayun, ayokong makawasak ng nararamdaman ngayun dahil wasak pa ako. hys nasapo ko ang noo ko habang nakaupo dito sa sopa namin sa sala ng biglang may magsalita sa gilid ko..

"malalim-lalim naman ata ang iniisip mo miss" [tom]

"penge naman kami juice" [tob]

nagulat ako sa kambal na ito na bigla-bigla na lang susulpot sa paligid tss...

"andun sa kusina kumuha ka na lang dun"

"hindi mo man lang ba ako kukuha grabe ka naman sakin, nakita mo to (turo niya sa pawis na pawis niyang katawan ) pagod ako kaya wag na ako ang utusan mo lieza"

"si lieza ba ang nagsabing magpapagod ka? at siya pa ang papakuhanin mo ng maiinom mo"

sabay-sabay kaming napatingin sa taong bumababa sa hagdan habang ang paningin niya ay nasa kamay niya na pinupunasan niya.

"napakaseryoso mo clarence, porket nanjan si lieza eh ayieeeeee"

napatingin naman ako sa tumawa na si tom habang nakatingin sa cellphone niya, tumingin naman ako kay tob at sinesenyas niya sa mga mata niya na tumingin ako sa direksyon ni clarence inirapan ko na lamang siya at sabay tingin kay clarence na nakatingin na din pala sa akin.

"tapos na yung kwarto mo maayos na baka gusto mo bisitahin"

napangiti naman ako sa sinabi ni clarence tapos ko narin naman ayusin itong sala ang kwarto ko na lamang ang nagiisang madumi kanina kaya sana naayos talaga nila kean at clarence yun.

It's too late [ On-Going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon