Kabanata 13
"anong ginagawa mo dito lieza?"
"dito kami nagbakasyon nila mommy eh"
"hindi ko alam na province niyo pala ito"
"magkakilala kayong dalawa?"
tanong samin dalawa ni tom na kanina pa papalit palit ng tingin sa amin.
"oo"
sabay naming sabi ni elaine kaya nagkangitian na lang kami ng biglang magpaliwanag si elaine kay tom.
"si lieza kase ay member ng mapeh club sa xavier noon babe remember yung nagpaalam ako sayo na aalis ako dito dahil 3days kami sa manila dahil sa event na gagawin namin at member din ako ng mapeh club noon"
"ah so nagkakilala kayo dun"
"yap ang friendly kase ni lieza eh sumusunod siya sa adviser niya na iclose yung mga taga cavite raw na officer dahil laban laban bawat club dun so naging magkakampi kami ni lieza non"
tumingin pa sakin si elaine kaya ngumiti na lang ako, hindi ko alam na sila pala ni tom nabanggit niya lang sakin noon na may boyfriend siya siguro si tom yung nakita ko noon na sumundo kay elaine, hay nako bahala na nga.
"close pala kayo ni elaine"
bulong sa akin ni kean, bakit kailangan pang bumulong nakakaines may kiliti ako sa taas ng tenga ko eh hayup napaurong tuloy ako onti kaya nasagi ko si clarence.
"are you ok?"
"ah oo ok lang ako inayos ko kase yung short ko"
"bagay kayo"
sabay kaming napatingin ni clarence sa sinabi ni elaine.
"no hindi kayong dalawa, si kean tska lieza bagay kayo tignan mo yung isa lieza oh pasulyap sulyap sayo habang nakikipag usap ka kay clarence"
lumingon naman ako kay kean at nakita kong umiwas siya ng tingin, napaka arte talaga ng lalaking to.
"ay kaso may boyfriend kana sa manila diba"
"wala na"
sabay pa naming sabi ni kean kaya nagkatinginan kami muli at inirapan niya ako daig niya pa talaga babae nakakapanggigil na siya.
may biglang tumawa kaya nakuha niya lahat ang atensiyon namin sa iisang lamesa.
"napaka seryoso niyo naman kase tsaka lieza alam mo ba yang si kean hindi ganiyan yan sa mga iba niyang babae maarte lang talaga yan pagdating sayo"
"hoy david manahimik ka nga di ka naman kinakausap jan eh"
"nako gusto mo lang ng lambing ni lieza eh"
nakita ko na nagkakatawanan si michael at karen sa mga sinasabi ni david habang si tob naman ay nakahawak pa sa baba niya at pinagmamasdan kami ni kean at si elaine tska tom naman ay nakangiti lang habang nakatingin sakin habang ito namang si clarence ay hindi makatingin sa aming dalawa ni kean.
"ay oo nga pala lieza ilang months na kayo wala nung bf mo?"
"mag wa one month narin eh bakit?"
"ah ok naman na pala kase bago ako umuwi dito sa cavite nakita ko siya na may kadate sa starbucks yun yata yung matangkad na makinis yung balat at mahaba yung buhok na kilala sa school niyong leader ng cheerdance"
BINABASA MO ANG
It's too late [ On-Going ]
RomanceSana naging matapang ako pagdating sa kaniya. Edi sana hindi ako nagsisi ngayon sa huli. -Hindi ako naniniwala sa love at first sight sabi sabi lamang yan tss. Ehlieza -Simpleng babae lang naman ang kailangan ko at mamahalin...