Kabanata 6
nasilaw ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko sino ba kaseng nagbukas ng kurtina dito sa kwarto tsk.
"oh gising ka na pala nanjan sa baba si athena aba ang aga-aga nung bata nayun ah gumising kana jan kase aalis narin daw yun ng tanghali"
napabalikwas ako ng higa dahil sa sinabi ni mommy. anong ginagawa dito ni athena?
"dalian mo na jan at kanina pang six yun andito, pinapunta mo bayun?"
tumakbo ako papunta sa cr para mag toothbrush at maghilamos hindi muna ako maliligo dahil masiyado pang maaga para maligo hindi ako sanay.
"nak bakit namamaga yang mata mo?nakagat ba ng ipis yan?
what yung mata ko namamaga? bigla akong napatingin sa salamin omygosh yung itsura ng mata ko namamaga pareho.
"nak sabihin ko kay tina na nagaayos ka na ha"
nang marinig kong nagsara ang pinto ko binatuk batukan ko ang aking noo dahil sa kagagawang ginawa ko kagabi.
alam ko tanda ko pa naman lahat ng ginawa ko eh andito pa nga din yung sakit siguro magiging manhid na lang ako pagnakaraos na ko kay xyrus.
pababa na ako ng makita ko si athena ngumiti siya sa akin at ngumiti ako sa kaniya.
nang makaupo na ako sa tabi niya bigla niyang hinawakan ang kamay ko...
"lieza alam ko na yung nangyari sa inyo ni xyrus pero di ko pa alam yung kwento, nakita ko narin yung post ni jade"
tinignan ko lamang sa mata si athena namiss ko siya ng sobra.
si athena ang nakakaalam kung paano kami nagsimula ni xyrus.
"girl sorry sa nagawa ng bestfriend ko sayo:("
at bigla siyang yumuko ayokong makita na ganito si athena sa harapan ko dumayo pa siya papunta sa lugar na ito tapos ganito lang ang gagawin niya wala siyang kasalanan dito..
"ano kaba tina wala kang kasalanan umayos ka nga jan"
inangat ko ang ulo niya at tinignan siya..
"girl alam mong suportado ako sa lovelife niyo xyrus"
"tinapos ko na kagabi tina"
at yumuko ako naramdaman ko na naman ang sakit na ginawa ko kagabi, tumingala agad ako dahil nag iinit na naman ang mga gilid ng mata ko hindi ako pwede umiyak dito sa sala baka makita nila mommy sasabihin ko naman sa kanila humahanap muna ako ng tyempo.
"pasensiya na kung nasaktan ko ang bestfriend mo tina"
"ano kaba girl si xyrus ang mali dapat ako ang humingi ng sorry kase alam ko namang loko yun pero tinulak pa kita sa kaniya girl"
"may sinend kasing picture si louise kay xyrus"
"ano na naman yung ginawa ng babaeng yun ha?"
"nalaman kong may gusto siya kay xyrus kaya pala siya gumagawa ng dahilan para mapaghiwalay kami ni xyrus"and nagawa naman niya nagawa niyang paghiwalayin kami ni xyrus napapagod narin kase akong intindihin si xyrus hindi na niya ako sinusunod sa tuwing maguusap kami lagi may away nawala na yung sweetness ni xyrus sa akin.
BINABASA MO ANG
It's too late [ On-Going ]
RomanceSana naging matapang ako pagdating sa kaniya. Edi sana hindi ako nagsisi ngayon sa huli. -Hindi ako naniniwala sa love at first sight sabi sabi lamang yan tss. Ehlieza -Simpleng babae lang naman ang kailangan ko at mamahalin...