❛❛The Earth is what we all have in common.❜❜
—Wendell BerryHalos tatlong na oras nang naglalakad si Maximus sa siyudad. Pero ni isang tao ay wala siyang napapansin, ni isang anino ay wala.
He checked his phone, no signal. There is nothing around.
Wala siyang ideya kung anong nangyari, hanggang ngayon ay nagtataka siya kung nasan nga ba ang lahat ng tao sa paligid, maging ang kaibigan niyang si Von at si Kenn ay nawala na lang na parang bula.
Wala siyang ibang nagawa kundi ang isipin nalang na siya nalang ang tanging natitirang tao sa mundo.
Ano nga ba ang nangyari sa mga tao? Maaaring naging Zombie? Dinukot ng mga alien? Nagkasakit at naging abo lahat? Kinain ng mga nilalang na hindi niya kilala? Napunta lahat sa langit? May isang malaking party na si Maximus lang ang hindi inimbita? Ewan.
Maximus just settled on thinking that he's the last person in the place or maybe in the whole world.
He grabbed a car. Wala na siyang pake kung kaninong sasakyan ang kinuha niya, wala naman ni isang tao ang nandito.
Umikot siya sa siyudad at kinuha ang lahat ng bagay na gusto niyang kunin. He grabbed everything he can inside the malls and the convenient stores.
Siniguro niya ang pagkain. Maaaring may ibang tao pa ang nabubuhay at kailangan din nila ng pagkain, at least nakapagtabi siya ng sa kaniya.
Maximus smirked as he passed on the displays of different musical instruments. May pangarap siyang gitarang matagal na niyang gustong bilhin pero wala siyang panahon para kunin ito, now this is his time to grab it without releasing any peso.
Walang pag-aalinlangang kinuha ni Max ang kulay itim na gitarang matagal na niyang gusto. He walks outside the mall pushing a cart of goods, foods and few things while his right hand is carrying his newly grabbed guitar.
"All settled!" sabi nito nang mailagay na niya sa sasakyan ang mga bagay na kinuha niya.
Agad siyang nagmaneho paalis. Katabi niya naman sa sasakyan ang kaniyang gitara.
"Hey baby, you'll be better than Maureen." puri niya sa gitara.
Maliban kasi kay Maureen, yun lang ang bagay na nais niyang makuha.
Sunod na kumuha si Max ng gasolina. Maliban sa pagkain ay kailangan niya ring maipon ng napakaraming gasolina. Mahirap na baka may dumating na mga alien, hindi niya iyon matakasan.
Matapos kunin ni Max ang sa tingin niya ay kailangan niya upang makapamuhay ng mag-isa, sandali baka bumalik ang ibang tao, ay naghanap siya ng maaari niyang paglilipasan ng gabi.
Maraming bahay siyang nadadaanan. Lahat ng iyon ay maganda upang tirhan niya sandali pero ayaw niya baka raw kasi kung anong nilalang ang nandoon, kailangan niyang maghanap ng masmagandang matitirhan.
Patuloy lang siya sa pagmamaneho at paglinga sa paligid hanggang sa madaanan niya ang mansion at mga bahay na tinitingala ng lahat. Napatigil siya sa harap nito.
Ang Villa de Blanco.
Ang sikat na tirahan ng pamilyang Blanco, ang mayamang pamilya na halos nagmamay-ari ng maraming negosyong tumatakbo sa lugar.
BINABASA MO ANG
The Last Adam And Eve (El último Adán y Eva)
Short StoryColección de Tragedia 1 (El último Adán y Eva) A story of an Environmentalist and a sick girl.