Chapter 1: The Team

994 28 23
                                    

❛❛Never doubt that a small group of thoughtful, committed citizens can change the world; indeed, it is the only thing that ever has.❜❜
—Margaret Mead

"Anong nangyayari ngayon sa baby Shark?"

"Umiiyak po siya," malungkot na sagot ng mga bata kay Maximus nang ipakita nito ang ginuhit niyang larawan ng isang pating na umiiyak at puno ng sugat.

"Bakit sa tingin niyo umiiyak ang baby shark?"

Isang batang babae ang nagtaas ng kamay at bulontaryong sumagot sa tanong ng binata, "Kasi po sabi mo po kanina, ano po--- nagto-throw po tayo ng g-garbage kahit saan po k-kaya po umiiyak ang baby Shark kasi nasugatan s-siya po." nakangusong sambit pa ng batang nasa limang taong gulang.

Napangiti naman ang binata dahil sa sagot ng bata. Mabuti naman at naiintindihan nila ang nais niyang iparating.

"Very good!" ngiting puri niya pa sa bata at tinapik ang ulo nito.

Ganito na ang buhay ni Maximus, kung hindi siya naglilinis sa kapaligiran kasama ang iba pang mga environmentalist o di kaya ay nagtatanim sila ng mga punong kahoy ay pumupunta siya sa iba't-ibang paaralan upang turuan ang mga bata kung paano alaan ang kapaligiran.

Masaya si Maximus sa buhay na mayroon siya. Nakakatulong siya sa kalikasan kahit papaano.

"Gusto niyo bang umiiyak ang baby Shark?"masiglang tanong niyang muli sa mga bata.

"Ayaw pooo!" masigla at halos pasigaw na sagot sa kaniya ng mga bata.

"Anong gagawin niyo para hindi na umiyak ang baby shark dahil marami na siyang sugat?"

Isang batang lalaki naman ang inangat ang kaniyang kamay para sumagot, "Hindi na po kami magtatapon ng basura."

Isang bata pa ang masiglang tumayo at sumagot, "S-saka pag pupunta p-po k-kami sa beach--- pupulutin po namin ang mga basura."

Masayang tinapos ni Maximus ang pagtuturo sa mga bata. Mabuti naman at naiintindihan nila ang nais niyang iparating.

Sumakay na siya kasama ang kaniyang team sa isang van para pumunta sa iba pang lugar.

Tons of medical waste was dumped in the mountain of Maragon causing a lot of  natural lives die and lost of habitats.

Napangiwi nalang si Maximus sa balitang nakita niya sa kaniyang cellphone.

"Tang*na naman oh! Kahit anong gawing sikap natin para sagipin sa sakit ang inang kalikasan may mga bobo paring tao na nagtatapon ng basura kung saan." mura at iling niya pa.

Natawa naman ang kasama nitong si Kenn, "Ano bang magagawa mo? Hindi naman mabubuhay ang tao kung hindi gagawa ng basura."

Pinikit ni Maximus ang kaniyang mga mata at napangisi saka isinandal ang kaniyang likod sa headrest ng sasakyan, "Lahat naman tayo ay may basura, wag lang sana nating ikakalat kung saan."

"Ang basura nga ni Maureen kung saan saan lang nagpupunta," tawang pang-aasar naman ni Von.

"Shut the f*ck up Von!" galit na singahal naman ng nakapapikit na si Maximus.

Sino ba namang hindi magagalit? Ang basurang tinutuloy ni Von ay walang iba kundi si Maximus.

Ang team nila ay tinatawag na AFE o Aid For Environment na isa sa mga sangay ng DENR na tumutulong para mapangalagaan ang kalikasan. Binubuo sila ng limang indibidwal, tatlong lalaki at dalawang babae. Si Kenn na pinakapilyo, si Von na kasintahan ang isang babae nilang si Hanna at si Maximus na ang dating kasintahan ay si Maureen na isa babaeng kasama nila sa team.

The Last Adam And Eve (El último Adán y Eva) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon