❛❛Progress is impossible without change, and those who cannot change their minds cannot change anything.❜❜
-George Bernard Shaw
"Are you sure about this Mister?"
"You don't deserve to just exist Adella, you deserve to live so just leave this room of yours."
Kinakabahan si Adella sa ideya ni Maximus na lumabas siya ng kaniyang kwarto dahil nakatanim na sa isip nito na sa oras na umapak siya sa labas ng kaniyang silid ay iyon na ang mismong katapusan ng buhay niya.
"Max," kinakabahang tawag niya sa lalaki habang hawak niya ang flashlight nito.
"Come on Adella, do you want to live?"
Tumango si Adella, nais niyang maranasan ang kahit kaunting bagay man lang sa labas ng kaniyang kwadradong silid. Nais niyang makita kung ano nga ba ang nasa labas.
Nakasandal ngayon si Maximus sa may pintuan ni Adella, hinihintay kung kailan tatapak ang dalaga sa labas ng kaniyang silid sa unang pagkakataon.
"Have you watched Titanic?" kalmadong tanong ng lalaki habang nakahalukipkip.
"That Jack and Rose thingy and the broken ship?"
Natawa si Max sa sagot ni Adella at tumango. Bakit nalang ganon kung sumagot ang dalaga?
Tama ang kaniyang mga sagot ngunit magulo ito at may halong pagkasarkastiko. Pero sa kabuuan ay natutuwa siya sa dalaga.
"Naaalala mo ba kung ano ang sinabi ni Jack kay Rose noong pagkakataong nais nitong magpakamatay?" tanong ng binata.
Umiling si Adella. "I love that movie but I'm no crazy fangirl." she just rolled her eyes.
Mataray kung tignan, sobrang tinatarayan ni Adella si Maximus. But she just looks so gorgeous in his eyes. Crap! It seems like he's attracted to this sick lady. Wala pa namang dalawang oras simula nang magkakilala sila. But his heart, it's now beating faster.
Weird.
"You jump, I jump." yan ang linyang sinabi ni Jack noon kay Rose kaya naman napatingin nalang si Adella sa estranghero na nasa harap niya ngayon nang banggitin niya ito.
Ngayon niya lang ito nakilala ngunit parang napakadali nitong pinapagaan ang loob ng dalaga.
"You can hold my hand if you want." alok ng binata sa dalaga at inabot ang kaniyang kamay.
Umiling si Adella at agad na nilampasan si Max nang humakbang siya papalabas sa kaniyang silid.
"Woah! You did it ma lady!" he cheered.
Natawa nalang si Adella habang patuloy na naglalakad.
Pabilis ng pabilis ngayon ang kabog ng puso niya. Hindi siya makapaniwalang nakalabas siya ng kaniyang silid, wala siyang nararamdamang kakaiba maliban sa palibis na pabilis na pagkabog ng kaniyang puso.
"Max!"
"Yes?" sumabay lang ang binata sa mga unang hakbang mg dalaga palabas.
Natutuwa siyang makita itong masaya, makikita sa mga mata ng dalaga ang labis na tuwa. Hindi nakapinta ang labis na pagkabahala na baka ay mamatay siya. It seems like she wants to live to the fullest like what he said.
"I'm so excited! I'm so happy! I'm so---"
"You're so touched?" dugtong ng binata.
Tumango ang dalaga. "H*ll! I want to cry right now!"
BINABASA MO ANG
The Last Adam And Eve (El último Adán y Eva)
Short StoryColección de Tragedia 1 (El último Adán y Eva) A story of an Environmentalist and a sick girl.