Mother nature will always have its own way of curing itself from the cruelty of the toxic people.
She's getting sick because of the people and it's making her sad because mother nature being sick also makes people sick.
She sends whirlwind around the world to get all the human away so that she can give herself a remedy. She decided to put two persons that can live in her so that they can enjoy her love and wonder. She knows they both deserve it.
She called them, The Last Adam and Eve.
Because of her love, she'll just restore the human she removed temporarily.
"Asar!"
"Batokan mo kasi!"
"Gigising yan!"
"Parang tanga kasi!"
Patuloy na nagbabangayan ang kaibigan ni Max na sina Kenn at Von habang si Max naman ay natutulog sa kama.
Dahil sa lakas ng kanilang boses ay unti nalang nagising si Max.
"Oh ayan! Tignan mo nagising!" agad na binatokan ni Kenn si Von.
Napahawak si Max sa kaniyang sentido, nakakaramdam kasi siya ng sakit. Anong nangyayari rito?
"Max?" tawag sa kaniya ni Von.
Kinusot naman ni Maximus ang kaniyang mga mata at umiling. Sh*t! Nanlalabo ang kaniyang mga mata, ano bang nangyari?
Nakabalik na pala sila?
"Adella?" yan ang pinakaunang pangalang binanggit Maximus.
Ang huling bagay sa kaniyang alaala ay ang dalagang si Adella, ang dalagang natira sa mundo kasama sima. Ang huli niyang naaalala ay ang dagat kung saan yakapyakap niya sa kaniyang kandungan ang dalaga habang umiiyak at kinausap ito.
Nasan si Adella.
"Maganda siguro panaginip ng isang to, tsk! Tsk!" ilingni Von.
"Babae ang nasa panaginip niya." dugtong naman ni Kenn.
Naguguluhan si Max sa nangyayari ngayon. Bakit nandito siya kasama ang dalawa niyang kaibigan.
"Nakabalik na pala kayo?" tanong niya pa sa dalawa na ikinakunot naman ng kanilang mga noo.
"Saan?"
"Sa mundo."
"Hahahahaha,"parehong natawa sina Von at Kenn. Ano bang pinagsasabi ng kaibigan nilang si Maximus? Epekto ba ito ng labis niyang pananaginip?
"Ikaw pareng Max ang kailangang bumalik sa mundo," tawa ni Kenn.
"Alam mo bang pagkatapos mawala ng ipoipo ay bigla ka nalang nahimatay?"
"Huh?" nagtatakang tanong ng binata. Ang alam niyang nangyari ay bigla nalang nawala ang lahat ng tao at doon niya natagpuang nag-iisa ang isang dalaga sa mansyon, si Adella.
"Ewan namin sayo, nagdadalawang araw ka na ring tulog diyan. Akala nga namin patay ka na!" tawa ni Von at nakipag-apir pa sa lokong si Kenn. Wala na talagang ibang tumatakbo sa isip ng dalawang gagong ito.
Hangin nalang ata ang laman ng utak nila.
Ibig bang sabihin ay panaginip ang lahat ng iyon? Ibig bang sabihin ay hindi totoo ang dalagang si Adella? Bakit? Bakit ganon? Bakit ramdam na ramdam niyang totoo ang lahat ng iyon, na totoo ngang nahawakan at nahalikan niya ang dalagang iyon. Totoo ngang minahal niya ang dalagang iyon.
Maraming tanong ang tumatakbo ngayon sa isip ni Max. Alam niyang totoo ang nangyari sa kanila ni Adella, malakas ang pakiramdam niya.
"Oh! Bibisitahin ka raw ni Maureen ngayon."
BINABASA MO ANG
The Last Adam And Eve (El último Adán y Eva)
Short StoryColección de Tragedia 1 (El último Adán y Eva) A story of an Environmentalist and a sick girl.