Chapter 26

93 1 0
                                    


Hope

Nakarating ako sa bahay ng alas dos ng umaga, at naabutan ko si Jepoy na mag-isa lang sa living room. Mukha siyang problemado dahil minamasahe niya ang kanyang sentido ng nakakunot ang noo.

"Hey. Where's the twins?" Tanong ko.

Napamulagat siya at napatingin sa direksyon ko. "AC!" Masayang sabi niya at nagmamadaling tumakbo para yakapin sana ako pero tinulak ko na agad ang mukha niya bago makalapit pa.

"Ikaw nga 'yan, AC! Buti bumalik ka na!" May relief sa mata na sabi niya.

"Yeah, safe and sound. Where's the twins?" Pag-uulit ko sa tanong ko. Nakakapagtaka ding gising 'to sa ganitong oras.

"Nasa airport, sinundo si Ma'am Cherine. Darating na rin sila mamaya. Akin na pala gamit mo, ilagay ko sa kwarto mo!" Alok niya. Hindi na ako umimik at tumango nalang.

Pumunta ako sa kitchen at nagtimpla ng kape. Pagkarating ko sa living room ay uupo na sana ako nang tumunog ang phone ni Jepoy sa may sofa na uupuan ko.

"Jepoy you have a ca—whatever." Pagbabalewala ko at sinagot nalang ang tawag.

"Hello?" Sabi ko.

[Who's this? Who are you? Where's Raph?] Kumunot ang noo ko. Boses ng babae ang nagsalita?

"Uh, I'm sorry miss, but the name of the owner of this phone is definitely not Raph. Check the number you put, you might have dialled a wrong number." Nagtatakang sabi ko. I don't know anyone whose name is Raph na kakilala ni Jepoy. Maybe he knows one pero hindi ko lang talaga alam.

[No, don't fool me, whoever you are! Are you one of his women?! That fucking womanizer! Nagbago pala ha? Where's Raph, you bitch?! 'Wag mo siyang itago sa akin, dahil alam kong nandyan lang siya!]

Kumulo ang dugo ko. Hayop na Raph 'yan! Hindi nga yung kung sinumang Raph na iyon ang may number nito! Si Jepoy! Si Japhster Eion Dela Rosa!

"What the fuck?! Didn't I say this to you loud and clear that a Raph, whoever that damn person is, doesn't own this number?! Bobo ka ba, o sadyang nagbobobohan lang?! And yuck, I won't never let a womanizer play me, for your information, 'cause I've been the girl version of it once! At puta! Ba't ko naman itatago sayo ang Raph na iyon eh di ko nga yun kilala?! If that shithole really is here, I'd even gladly give him to you!" Mabibigat ang hiningang sabi ko.

Natahimik sa kabilang kabilang linya. [H-he's there! This is his number! We contacted each other through this number!] Ayaw paawat na sabi niya.

Napapikit ako ng mariin. "You know what? I don't know you but damn you! 'Wag ka nang tatawag!" Sigaw ko at inend ang tawag. Nakakahigh blood! Ipagpilitan pa kasing ang Raph na kakilala niya ang may-ari ng number, eh number nga ni Jepoy 'to!

"Oh, AC? Ba't parang kakagaling mo lang sa sagutan? Para ka namang mahihimatay sa galit dyan. Relax." Natatawang sabi ni Jepoy.

"Sabihin mo 'yan sa babae na nakausap ko sa phone mo. She kept insisting this Raph's number was your number, and that I'm one of his women. Like what the heck? I don't even know that guy!" Naiinis na sabi ko at uminom nalang ng kape para pakalmahin ang sarili ko.

Namutla ang mukha ni Jepoy sa hindi ko malalang dahilan.

"S-sino yun, AC? Sino yung tumawag?" Parang kinakabahang tanong niya.

I shrugged my shoulders. "Dunno."

Tumakbo siya at kinuha agad ang cellphone niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pangalan nung caller. Napamura siya at dire-diretsong lumabas.

The Girl Who Fell ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon