GoodbyeGabi na at naisipan kong magnight swimming sa may pool ng resthouse ni Chaos. Buti nalang at nakapagdala ako ng bikinis dahil naalala ko ang sinabi ni Chaos na sa Batangas kami pupunta.
Pagkabihis ko ay kumuha na rin ako ng towel at dumiretso sa pool. I caught a glimpse of Chaos talking someone over his phone just near the pool. Mukhang problemado siya dahil nakakunot ang noo niya.
Hindi ko na muna siya inabala at pumunta na pool. Napapikit ako nang maramdaman ko ang tubig sa aking balat. Nagsimpleng floating lang ako. I do this kapag gusto kong marelax.
Nagulat ako nung may kamay na humaplos sa tiyan ko kaya napamulagat ako. Sumalubong sa akin ang nakakabighaning mata ni Chaos. Nakipagtitigan lang ako sa kanya ng ilang sandali at napaiwas ng tingin dahil nag-iinit ang pisngi ko.
Inayos ko ang pwesto ko at tumayo nalang. Tumikhim ako at sinubukang lumayo sana at lalangoy na, ngunit nahuli niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa bewang ko. Nag-init ulit ang pisngi ko.
Linapit niya ang katawan niya sa akin at bumulong kaya nakiliti ako. "Are you avoiding me, little mess?" May bahid ng panunuyang tanong niya.
I gathered all my strength and looked at him confidently. "No. Why would I?"
His touch is filled with warmth, and for an unknown reason, I felt safe.
He slowly smirked and gripped my waist tighter kaya mas nadikit ako sa dibdib niya. Hindi ko na siya tinitigan pabalik at dinikit nalang ang mukha ko sa dibdib niya dahil shit! Namumula na talaga ang buong mukha ko!
Saka ko lang napansin na wala siyang damit pantaas at nakaswimming trunks lang sa pangbaba. Napakagat ako sa labi ko.
I'm seriously becoming a pervert for thinking such things. Dammit! Think straight ahead, Anne Claire! You're here to swim, hindi para mag-isip ng mga bagay-bagay!
"Oh, you're shy again? Why? I'm yours. You can do whatever your thinking with me." Nilaro niya ang buhok ko at tumawa.
Nanghina ang mga tuhod ko sa hindi malamang rason.
"Flirt." Yun lang ang nasabi ko nung sinusubukan niyang salubungin ang tingin ko.
Hinawakan niya ang baba ko at hinarap ang mukha ko sa kanya.
"Only to you, babe." He smirked again.
"U-umalis ka nga dyan! Kitang nagsswimming ako oh." Pag-iiwas ko at aalis sana ulit pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko kaya kahit itulak ko siya ay hindi ako makaalis sa hawak niya.
"You're shy." He stated. Hindi na niya tinanong pa at tila sigurado siya sa sinabi niya. Napatigil naman ako sa pagtutulak sa kanya.
"I'm not!" Inis na sinalubong ko ang tingin niya.
Ngumisi siya. "Really?" Mapaglarong tanong niya at nilagay ang mga iilang piraso ng buhok ko na tinatakpan ang ibang parte ng mukha ko sa likod ng tenga ko.
"Yes!" Matapang na sabi ko.
Dinilaan niya ang pang-ibabang labi niya at tinignan ako ng may emosyong hindi ko alam dahil halo-halo. "Kiss me then."
Nagulat ako at napanganga.
K-kiss him?!
"T-that's..no! I-Iba nalang!" Reklamo ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/167834490-288-k507291.jpg)
BINABASA MO ANG
The Girl Who Fell Apart
RomansaShe models like a red carpet was unrolled infront of her to walk to. She talks seductively without even making an effort. She grooves freely in the club like no one sees her getting wild. She burns insults. She attracts men knowingly, and she loves...