Chapter 27

85 0 0
                                    


Picture

Nang maayos ko na ang itsura ko ay lumabas na ako sa kwarto. Laking gulat ko nang madatnan ko si Austin na nagpeprepare ng breakfast.

Napatingin siya direksyon ko at ngumiti. "You're awake?"

"Yes." Sagot ko at tumulong sa kanyang magprepare.

Si Austin ay nakilala ko noong nawala ako at 'di ko mahanap ang apartment ko. He keeps on telling that I looked like a lost puppy when he first saw me and then annoyingly laughs after. Isa siyang fil-am. He's just about one year older than me and he's independent, kaya siguro may confidence na humiwalay sa parents niya. He's charming, I admit, the boy next door type, but he's not my type. We all know I only have one type, and it's no other than him.

Magkatabi lang ang apartment namin kaya madalas siyang pumupunta rito para magluto ng breakfast bago kami pumunta sa trabaho. Yup, in those two long years I've been here, I realized what I'm passionate about, and I can proudly say that I'm passionate on cooking.

"Nandito ka na naman." Reklamo ko na ikinatawa niya.

He's okay and all but...

"Good morning to you too, cupcake." Hindi mawala ang ngiti sa labing sabi niya at kinurot ang pisngi ko.

But he's childish. Jusko, parang Jepoy number two 'tong isang 'to. Except, level up naman 'to, childish naman 'to na may halong panlalandi.

Actually pati sa trabaho, pareho kami ng restaurant na pinagtatrabahuan. Chefs kaming dalawa sa restaurant ng family niya. Tinulungan niya rin akong malaman ang gusto ko talagang maging, kaya me, being grateful to him, umoo na ako nung pinipilit niya akong mag-apply sa restaurant nila when it was hiring applicants, as a way of giving back my gratitude. Thankfully, I was hired.

"Aray! Tumigil-tigil ka nga, Austin! 'Pag ako nalate na naman humanda ka sakin. Hindi porke pamilya mo ang may restau—"

"Restaurant na pinagtatrabahuan ko gumaganyan-ganyan ka na ha. Hay nako, para ka talagang bata. Yes, mommy HAHAHAHA." Pagtutuloy niya ng sinabi ko at nanatili ang titig sa akin.

"You're so cute cupcake. I really see you as my future wife lecturing me like this. Pakasalan mo na kaya ako?" Tinaas baba niya ang kilay niya.

Ako naman ang tumawa. "Utot mo."

Ngumuso siya para pigilan ang  bumubuong ngiti sa labi niya. Halata naman oh. Ngunguso nguso pa siya dyan.

"I cooked something new. Sana magustuhan mo. Ginawa ko 'yan habang iniisip kita."

Ngumiwi ako. "Corny na naman nito. Umagang-umaga eh. Pass muna ako dyan."

"Totoo kasi!" Pagtatanggol niya sa sarili niya ikinatawa ko ulit. Umiiling na kinain ko ang niluto niya. Pagkasubo ko ay namangha ako sa lasa nito. It was scrumptious. Gosh.

Nagpahalumbaba siya. "I know I'm amazing. Gusto mo ba malaman yung ingredients?"

Tumango ako. "Please?"

Nilapit niya ang mukha niya sa akin. "Kiss mo muna ako." At nginuso niya ang labi niya.

Tinulak ko ang nakangusong labi niya at tumawa. "Galawan mo ha, Sous Chef."

Kinindatan niya ako at nagflying kiss pa. "Smooth ba, Vegetable Chef?"

Oo nga't malandi 'to, pero hindi ko na sineseryoso ang mga panlalandi niya at nakikisabay nalang sa mga iyon. Sa tagal ng pagsasama namin, naging malapit na rin siyang kaibigan sa akin. He's a great company, and he's got a nice attitude so yeah, we became close.

The Girl Who Fell ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon