Chapter 31

77 1 0
                                    


Wrong

Pagkarating ko sa kitchen ay nagtatakang tinignan ako ni Austin at ibinaba ang tingin patungo sa suot ko.

"Lalabas ka na naman?" Nakasimangot na tanong niya.

"Yup!" Masayang sabi ko, popping the 'p'. "Good news, uuwi ang magkambal dito ngayon. It's their vacation kaya pinauwi ko sila para kompleto na ang tropa niyo. Which means, you can go move to our house, and you will also get to be there with them. Good idea, right?" Ngumiti ako, pero napawi rin ito nang mapansing nakasimangot pa rin siya.

"'Di ka ba tatalon sa saya dyan? Or yakapin ako sa saya or something?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

Umiling siya at nanatili pa ring nakasimagot. "Mas gusto ko dito."

I looked around my condo, frowning. "Mas gusto mo dito? Medyo masikip nga dito eh. Dun sa bahay, or should I call mansion, maraming magseserve sayo doon. Choice of food mo pa." Pangungumbinsi ko.

Ba't ba ayaw niyang lumipat doon? 'Di hamak na mas magandang kasama rin ang magkambal kaysa sa akin dahil pareho silang mga lalaki.

"Did you forget that I'm a chef, cupcake?"

Napatahimik ako roon, pero agad rin akong nakabawi nang may maisip. "More reason for you to go there. I'm sure magpapaluto sina Raeg at Tan sayo pagkauwi nila. Kilala naman natin an dalawang iyon at alam nating mas gusto nila ang mga luto mo kaysa sa cook namin doon sa bahay."

Kapag kasi bumibisita sila sa apartment ko sa New York, si Austin palagi ang nagvovolunteer na magluto, at syempre tuwang tuwa naman ang dalawang iyon dahil favorite nila ang mga luto ni Austin. Pinapamukha pa sa aking mas masarap ang mga luto ni Austin kaysa sa mga luto ko kaya dapat daw gawin ko siyang asawa ko para naman daw may madulot akong maganda. Like what the fuck.

Nakakalimutan ata ng dalawang iyon na ako ang ate nila at kung makapagsabi sila ng ganon ay para bang mas nakakatanda sila sa akin?

"You can't be so sure of that. Mas nakasanayan nila ang luto ng cook niyo, kaya malamang mas magugustuhan pa rin nila iyon kaysa sa luto ko." Sabi niya, ayaw pa ring magpatalo.

I sighed in defeat. Wala talagang magpatalo at umalis ito eh.

"Well then, fine. Ikaw ang bahala. Mukhang gustong gusto mo talaga dito sa condo unit ko ah." Ngumisi ako.

"On the contrary, it's not exactly the place that I like, but... I'll just pretend it is though."

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Minsan magulo rin 'tong si Austin eh.

"Huh?" Tanong ko.

He smiled. "Nothing. Ingat ka cupcake, ah. Aasawahin pa kita."

Okay so nagbabalik na ang chessy-ng Austin. He's back to normal now, I guess? Medyo kastress din si Austin minsan eh. May parang pawords of wisdom minsan na hindi ko maintindihan.

"Asawa ka dyan. Sige, bye. Are you going to hang out with my brothers today? Para lang alam ko."

He shrugged his shoulders. "Ewan ko, eh. Baka jetlagged pa sila pagkarating nila."

Tumawa ako. "Yung dalawang 'yon? Are you kidding me? Oh gosh, those twins plus jetlag don't match, Austin. Kumabaga 'pag tinder, swipe left ang ang jetlag sa magkambal na 'yon. Walang duda, mag-iinuman kayo mamaya sa bar ni Kiro, at hindi papahuli si Raph, pupunta rin iyon for sure. Kaya kung ako sayo, wait for them and go catch up. Kaysa naman mag-isa ka lang dito." Pinaikot ko ang hintuturo ko sa loob ng condo ko.

Nag-alinlangan siya nung una, pero sa wakas ay tumango na rin. Matutulog 'yan sa bahay, sure ako dyan. Kasama niya sila Raeg at Tan, eh. Alangan namang makikisiksik pa ang magkambal na 'yon dito sa condo ko para lang makasama si Austin if ever he sleeps here? No way! 'Di ako papayag!

The Girl Who Fell ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon