Kadena

148 12 1
                                    

Ang Kadena ay isang kathang-isip lamang. Mga pangalan, karakter, organisasyon, lugar, o pangyayari ay gawa lamang ng isip ng may- akda. Kahit anong pagkakahawig sa isang tunay na tao o insidente, patay man o hindi, ay nagkakataon lamang.

Ang istoryang ito ay maaaring makaaapekto sa mga taong nakaranas ng isang trauma o depresyon, kaya kung kayo ay sensitibo, minumungkahi kong huwag na kayong magbasa para sa ikabubuti ng inyong mental na kalusugan. Sa mga balak magpatuloy kahit nabasa na ang munting babala ko, sana'y may matutunan kayo sa istoryang ito.

_________

Y los siete pecadores están destinados a ser uno.

Kadena

Lahat tayo ay may kadenang nakapulupot sa ating mga kaluluwa. Kinukulong nito ang tunay na kaligayahan sa pinakamadilim na parte ng ating pagkatao. Kaya kahit walang mabigat na rason, kusa tayong nakakaramdam ng kalungkutan. Kahit nasa atin na ang lahat ng rason upang makontento, hindi natin maiwasang maramdaman na may kulang sa ating mga puso.

Ngunit ang kadenang kumukulong kay Adelaida ay isang sumpa na humahadlang sa kaniyang kalayaang mamatay.

____

Hi guys! Pasensiya na kung gumawa ako ng isang kwento kahit hindi ko pa natatapos ang isa ko pang libro. Ilang linggo na nitong ginugulo ang isipan ko kaya para sa ikatatahimik ng isip ko, isusulat ko na ito. Enjoy reading!

KadenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon