Kabanata 9 - Ang Heneral

32 6 0
                                    

Kabanata 9 - Ang Heneral

"Bakit ka sumunod? Alam mong hindi ko ninanais na makita ang iyong wangis," naniningkit na sabi ni Adelaida sa bisitang kumatok sa kaniyang pinto.

"This is an important matter, Adelaida. You know it's unsafe for you to stay here in this generation, mapagkamalan ka pang isang illegal immigrant," sagot ng bisitang si Stone. Binuksan naman ni Adelaida ang pinto ng maluwag.

Nilibot ni Stone ang paningin sa bagong tirahan ng mahiwagang babae. Nalinis na niya ang silid at ngayon ay pinupwesto na ang mga biniling kama, cabinet, maging ang bagong telebisyon. Humanga siya dahil mas maluwag ang silid na iyon kumpara sa condo niya at nagtaka pa kung saan nakuha ang perang pinambili.

"Bibigyan kita ng limang minuto upang ipahayag ang mensahe mo," sabi ni Adelaida at umupo sa biniling upuan. Nanatiling nakatayo si Stone.

"Pinagawan kita ng mga kakailanganing dokumento, lahat ng iyan ay peke," sabi ng lalaki at inabot ang folder na hawak-hawak. Napataas ang kilay ni Adelaida.

"Para saan?"

"Mga patunay iyan na ikaw nga ay isang mamamayan sa lugar na ito," sagot ni Stone. "Lahat ng nakasulat riyan ay hindi totoo, maliban na lang sa pangalan mo. Ikaw pa rin si Adelaida Leonardo."

Sinuri naman ni Adelaida ang mga papel na binigay. Lahat nga ng iyon ay gawa-gawa lamang, at ang nakakamangha ay tumutugma sa kung anuman ang paningin sa kaniya ng mga tao.

"Paano mo nalaman ang petsa ng aking kaarawan?" nagtatakang tanong ni Adelaida.

"It's on your diary."

"Hmmm," sagot ni Adelaida at sinuri pa ang natitirang pahina. "Ako ay 18 taong gulang, galing sa Davao, isang ulila na nagmula sa isang bahay ampunan at inampon ng mag-asawang matanda na ngayon ay binawian ng buhay. Ako ngayon ay isang mag-aaral sa isang sikat na institusyong kilala sa pangalang Saint Laurent University at isang first year Accountancy student."

"That's correct."

"Sinasabi mo bang dapat akong mag-aral? Ako ba'y pinaglalaruan mo?"

"You need to go to school so that I could keep you close to me. That way, I could monitor you as I figure out how to get rid of these chains," sagot ni Stone na nagpataas ng kilay ni Adelaida.

"Hindi mo na kailangang pumasok pa sa pinto ng aking mga suliranin, ginoo. Hanggang sa paghalik ka lang sa aking labi, hindi ka na lalagpas pa doon," sagot ni Adelaida. Inilagay niya ang folder sa inuupuang sofa. "Nagpapasalamat ako sa iyong tulong ngunit makakaalis ka na, Ginoong Stone. Huwag kang mag-alala't gagawan ko ng paraan ang kadenang nakapulupot sa leeg mo."

Tumayo na si Adelaida at binuksan ang pinto ngunit hindi natinag si Stone sa kaniyang puwesto. Kumunot ang noo ng babae.

"Hindi na kita gagambalain pa sa isang kondisyon," wika ni Stone.

"Ano iyon?"

"Sumama ka sa isang party mamaya," pahayag ni Stone na nagpagulo sa dalaga.

"Party? Ano iyan?"

"Isang pagdiriwang kung sa wikang Filipino," sagot ng binata na nagpaliwanag sa mukha ni Adelaida.

"Iyan ba ay isang katotohanan? Ako ay mahilig sa mga pagtitipon, kaya dadalo ako hangga't maaari," sagot ni Adelaida. Mukhang iyon na yata ang pinaka-nagustuhan niyang mga salita ng binata.

"You should just be cautious, iba na ang pagtitipon sa panahon ngayon," sabi ni Stone. Nakita niyang naguluhan ang dalaga kaya nagpaliwanag siya. "You'll see when you get there. Just stick to me and don't wear something revealing."

KadenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon