Kabanata 5 - Ikot ng Kapalaran
Narating nila ang condominium unit ni Stone. Kahit kating-kati si Adelaida na hawakan ang lahat ng bagay na nakikita niya'y nanatili siyang kalmado. Sinundan niya ang lalaki habang naglalakad ito papasok sa isang building.
"Oh, Stone!" bati ng isang gwardiya kay Stone. Tinignan nito ang dalagang si Adelaida. "Himala yata at nagdala ka ng babae. Sina Sanchez lang palaging nakatambay sa condo mo!"
"Are they here?" tanong ni Stone.
"Oo, kakarating lang din nila," sagot ng gwardiya. "Saan ka ba nanggaling? Wala ka naman sigurong duty ngayon, diba?"
"I just went somewhere," sagot ni Stone.
"Ganun ba, edi pumasok ka na't magpahinga," sabi ng gwardiya. Tumango si Stone at hihilahin na sana si Adelaida nang bigla itong huminto at tumingin sa gwardiya.
"Sandali," sabi ni Adelaida at lumapit sa gwardiya. Nagtaka naman ito sa kilos ng dalaga. "Maaari ko bang hawakan ang iyong palad? May gusto lang akong malaman."
Nagulat ang gwardiya sa sinabi ng dalaga. Gayunpaman, tumango ito at inabot ang kanang kamay. "Naku iha, may asawa na ako't anak."
Ano bang pakialam ko? Isip ni Adelaida ngunit hinawakan pa rin ang palad ng gwardiya. Pinikit niya ang mga mata. Akmang babasahin na nito ang nakaraan ng lalaki nang bigla siyang hinila ni Stone.
"What the hell are you doing?" tanong ni Stone kay Adelaida. Naningkit ang mga mata nito.
"Ano bang nangyayari sa mga kalalakihan ngayon? Hindi na maginoo!" sigaw ni Adelaida. Binalak niyang basahin ang nakaraan ng gwardiya ngunit hindi natuloy dahil sa kapangahasan ng lalaki.
"Women should not just touch anyone's hand, especially a guy," mahinahong sagot ni Stone. Hinila niya si Adelaida palayo. "Napagkakamalan kang malandi dahil ang lalabas sa mga bibig ng mga tao ay ang mga bagay na nakita nila, anuman ang storya sa likod ng bawat larawang nasaksihan. Do you get it?"
"Gusto ko lang namang malaman kung ang abilidad ko ba ang may problema o sadyang hindi ko lang mabasa ang nakaraan mo," nagpipigil ng inis si Adelaida.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo, Adelaida? Wala ka na sa henerasyon mo. You are in a century of judgmental society," sabi ni Stone. "Kailangan mong magpaka-normal, kahit hindi. Hindi bulag ang mga tao, at kung ipagpapatuloy mo ang ganiyang katangian ay malalaman nila ang pagkatao mo."
Natahimik si Adelaida sa narinig. Hinila siya ni Stone papasok sa isang elevator. Nang magsara iyon, napakapit si Adelaida sa gilid nang bigla itong gumalaw.
"Diyosmeyo!" usal ni Adelaida. Napapikit siya. Para sa kaniya'y isa iyong supernatural na pangyayaring gawa ng henerasyong ito.
"It's just an elevator, it takes us up," kalmadong sabi ni Stone. Napasimangot si Adelaida. Hindi niya naiintindihan ang ibang mga salita ng lalaki ngunit kahit papaano'y alam niya naman ang wikang Ingles.
"Maaari ko bang hawakan ang iyong kamay?" tanong ni Adelaida.
"No."
"Gusto ko lang basahin lahat ng nalalaman mo tungkol sa henerasyong ito upang hindi na ako magiging isang ignorante," sabi ni Adelaida. Inabot naman ni Stone ang kaniyang kanang kamay sa babae.
Nang hawakan ito ni Adelaida, nagliwanag na naman ang kanilang magkadikit na palad. Ipinikit ng babae ang kaniyang mga mata at nakaramdam ang lalaki ng kakaibang daloy ng kuryente sa kaniyang braso, na para bang hinihigop ng babae ang lahat ng lakas nito.
Nang bumukas ang elevator ay binitawan na rin ni Adelaida ang kamay ng lalaki. Nagbago ang timpla sa mukha ni Adelaida. Kung noon ay parang namamangha siya sa bagong kapaligiran, ngayon ay parang sanay na siya at walang pakialam sa dinadaanan.
BINABASA MO ANG
Kadena
General FictionY los siete pecadores están destinados a ser uno. Lahat tayo ay may kadenang nakapulupot sa ating mga kaluluwa. Kinukulong nito ang tunay na kaligayahan sa pinakamadilim na parte ng ating pagkatao. Kaya kahit walang mabigat na rason, kusa tayong nak...