Kabanata 8 - Itim na Anghel

38 4 4
                                    

Kabanata 8 - Itim na Anghel

"Inutil! Hindi mo ginagamit ang iyong utak!"

Patuloy pa rin sa pagsisinghal si Adelaida sa tahimik na si Stone. Nakaalis na sila sa kumbento at ngayo'y nasa condo sila ng lalaki. Masakit pa rin ang kanilang mga katawan dahil sa naganap.

"Ikaw ba'y pinutulan na ng dila? Magsalita ka't ipahayag ang iyong kawalang-katalinuhan!" sigaw ulit ni Adelaida. Nanatiling nakatulala si Stone sa kumikinang na bagay na nasa leeg niya.

"Iyan ang regalo sayo ng iyong katangahan!" galit na sigaw ni Adelaida. Gamit ang kapangyarihan ay sinakal niya si Stone at inangat sa ere. "Fuerte! Ninakaw mo pa ang aking dangal at puri! Hindi ako makapaniwalang isang hangal ang makakakuha sa aking unang halik!"

"P-Put me down!" nasasakal na sigaw ni Stone. Hinigpitan pa ni Adelaida ang sakal gamit ang kadena at itinaas pa siya sa ere. "Y-You should at least be thankful t-that someone is willing to share misery with you!"

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, mortal?" di makapaniwalang sabi ni Adelaida at ibinagsak si Stone. Naghihingalo ang lalaki sa sahig. "Bakit kita pasasalamatan? Dinagdagan mo lang ang aking suliranin!"

"H-Hindi ba't makukulangan ang kalungkutang mararamdaman mo dahil sinasalo ko ang ilan? Bakit ka nagagalit?" tanong ni Stone.

"Increíble ! Ikaw nga'y walang alam sa iyong ginawa! Akala ko ba'y binasa mo ang nakasulat sa aking kwaderno?!"

"Of course! T-Though I had a hard time translating it."

"Siguro'y nagkamali ka sa iyong pagsasaling-wika," sabi ni Adelaida. Nilapitan niya si Stone at hinila ang buhok nito upang iangat ang ulo.

"Ako'y nakatali na ngayon sa iyo, ginoo. Lahat ng iyong pighati, sakit, kalungkutan, o kahit anong emosyon maliban sa kasiyahan ay mararamdaman ko. Ngunit ang kalungkutan ko'y hindi mo mararamdaman."

Nagpagulat iyon sa binata, "A-Ano?"

"Isa akong anghel, kahit naging itim ay isa pa rin akong nilalang na gumagabay sa mga tao. Walang kakayahan ang kahit na sinong mortal na gabayan ang isang anghel kaya kung ako'y mapapahamak, ika'y di maaapektuhan. Ngunit sa oras na ika'y malagay sa panganib ay dobleng sakit ang babalik sa akin."

Hindi makapaniwala si Stone sa naririnig. Napaupo siya sa mula sa pagkakadapa sa sahig.

"N-Ngunit ang nabasa ko a---"

"Nagkamali ka sa iyong binasa," walang emosyong sagot ni Adelaida. Napamaang naman si Stone.

"Is there a way to reverse this curse?"

"Ikaw ay tinulak ko na palayo upang masagip! Bago pa mahuli ang lahat!" galit na sigaw ni Adelaida. Napaupo na rin siya sa sahig. "Ngunit anong ginawa mo? Lumangoy ka pa talaga papunta sa rehas ng kapahamakan! Hindi sana ito nangyari kung hinayaan mo lang akong maglakad palayo!"

Napahilamos na lang si Stone sa mukha. Pilit nitong hinawakan ang kadena at hilahin ngunit di iyon natanggal sa kaniyang leeg. "Sht!"

"Ang kadenang nasa leeg mo ay simbolo na ako'y nakatali sayo. Huwag mong subukang tanggalin iyan sa leeg mo, mawawala lamang iyan kung mawawala ang sa akin at mawawala lamang ang kadena ko kung ako'y binawian ng buhay o tinanggalan ng kaimortalan."

Hindi nakapagsalita si Stone. Naunawaan na niya ang pagkakamali at ngayon ay lubusan na siyang nagsisisi. Akala niya'y makakatulong siya ngunit pinalala niya pa ang sitwasyon.

"Sorry," mahinang bulong ni Stone. Napapikit naman si Adelaida at tumayo.

"Walang magagawa ang paumanhin mo," walang emosyong sagot ni Adelaida. "Babalik ako sa aking bagong tahanan upang maglinis. Huwag na huwag mo akong sundan kung ayaw mong isang kamalasan na naman ang mararanasan natin."

KadenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon