Kabanata 3 - Tunay na Kulay
Isang malalim na buntong-hininga. Dalawang hakbang ng mga paang papalapit sa kaniya. Tatlong pitik ng isang puso sa loob ng isang segundo. Naririnig iyon ni Adelaida. Gayunpaman, nanatili siyang nakatayo. Suot niya pa rin ang maluwag na hospital gown at komportable naman siya doon.
Isang tao lamang ang dumating. Dalawang lunok ng sariling laway. Tatlong katok ang narinig niya sa pinto. Hindi siya gumalaw, kusang bumukas ang pintuan at sinalubong ang kaniyang pigura ng simoy ng hangin.
Nakikita niya ang liwanag galing sa flashlight ng lalaking dumating. Tanghaling tapat pa lang ngunit dahil nasa gitna ng kagubatan ang abandonadong kumbento, madilim na sa lugar na iyon lalo na't nabibilang lang sa daliri ang mga bintana doon.
Hindi nagsasalita ang lalaki. Tahimik lang niyang pinagmamasdan ang mukha ng bagong dating. May kaunting takot sa kaniyang mga mata, ito rin ay nagugulumihanan, ngunit pinakita nito ang tapang sa kabuuan ng kaniyang tindig. Mahigpit ang kapit nito sa flashlight na para bang ito lang ang sasagip sa kaniya sa panganib.
"Hindi ba ako ang hinahanap mo, ginoo?" tanong ni Adelaida nang mapagdesisyunang lumabas mula sa madilim na parte ng hagdan. Puno ng alikabok ang lugar, at tunay ngang nakakatakot.
"Are you the one responsible with how our memories altered?" tanong ng lalaki na si Stone. Ilang oras rin siyang naglakad mula sa kaniyang dorm nang mag-isa. Kahit narinig na niya ang sinabi ng pari at ang babala ng kaibigang si Sanchez, nagpatuloy pa rin ito.
"Bueno, ako nga," sagot ni Adelaida. Maputla ang mukha nito, mataas rin ang buhok na abot hanggang tuhod. Matangos ang ilong, kulay abo ang mga mata, at maliit ang mukha. Kung titignan, parang magkasing-edad lang sila ni Stone. Mukha rin siyang white lady. Ngunit puno ito ng sugat sa lahat ng parte ng kaniyang katawan, maging ang mukha nito'y parang ilang beses na sinugatan ng kutsilyo. Ang leeg nito'y parang ilang milyong beses sinakal.
Kahit natatakot, bumato pa rin si Stone ng isa pang tanong. "P-Paano mo nagawa iyon? A-Anong klaseng nilalang ka?"
"Sigurado ka bang kakayanin mo ang mga sagot?" walang emosyong tanong ni Adelaida. Humakbang siya papalapit sa binata na ngayon ay umaatras na.
"O-Oo."
"Puedo oír tus latidos," sabi ni Adelaida. Naririnig ko ang tibok ng iyong puso. "Hindi kakayanin ng iyong tuhod, ginoo. Bukas ang aking pinto ngunit hindi bukas ang aking kalooban sayo."
"Andito na ako, I won't back out now," matapang na sagot ng lalaki na nagpataas ng sulok sa labi ng maputlang babae.
"Sigurado akong binura ko na ang memorya mo, at sigurado rin akong isa kang mortal kaya tatablan ka. Hindi ko sukat aakalain na may isang mortal na maglalakas loob na pumunta dito," sabi ni Adelaida.
"M-Mortal?"
"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ni Adelaida. Ilang minuto ang lumipas ngunit walang salita ang lumabas sa bibig ni Stone.
"Wala naman pala," sabi ni Adelaida at tumalikod na para umakyat sa hagdan. Ilang minuto pa ang lumipas at narinig niya ang mga salitang hindi niya inakalang maririnig niya kahit kailan.
"May nakita akong kawing ng isang kadena doon sa ospital!" sigaw ni Stone. Nanigas ang babae sa kaniyang kinatatayuan. "K-Katulad ng kadena na nasa leeg mo."
Dahan-dahang humarap si Adelaida at nakakuyom ang kamao nito. Bumalik siya sa baba at nilapitan ang binata. "Wala akong panahong makipaglaro sayo, bata. Eso es suficiente, fuera!"
That's enough, get out!
"I'm not lying! As terrifying as it sounds, may kadena talaga," sagot ng lalaki. Nakaramdam siya ng kakaibang takot nang makitang nag-iba ang kulay ng mga mata ni Adelaida. Naging bughaw ito. "K-Kadenang tanging ako lang ang nakakakita!"
BINABASA MO ANG
Kadena
General FictionY los siete pecadores están destinados a ser uno. Lahat tayo ay may kadenang nakapulupot sa ating mga kaluluwa. Kinukulong nito ang tunay na kaligayahan sa pinakamadilim na parte ng ating pagkatao. Kaya kahit walang mabigat na rason, kusa tayong nak...