Kabanata 2 - Olvidarme
Akala niya'y ito na ang senyales na ginagawaran na siya ng pagkakataong mamatay, hindi pala.
Nakapulupot ang kaniyang kadena sa isang bakal sa itaas. Nasasakal siya dahil dito. Ang kadena'y hindi makikita ng mga mortal, kaya inakala ng magkakaibigan na lumutang ang dalaga.
Kinakabahan man sa di ordinaryong pangyayari, tinulungan pa rin nina Sanchez si Adelaida. Hindi naman ito umangal.
"I-Ipaliwanag mo nga sa amin ang nakita namin n-ngayon," di pa rin makapaniwalang sambit ng lalaking naka-shorts at kulay brown ang buhok. Mukha itong Koreano dahil sa singkit na mata at ang tangkad rin.
"Wala akong dapat ipaliwanag sa inyo mga bata," malamig na wika ni Adelaida at tinalikuran sila. Akmang lalayo na ito nang biglang magsalita ang mapangahas na babaeng lumapit sa kaniya kanina.
"Huwag ka ngang bastos sa mga taong sumagip sayo," mataray nitong sabi, bagay na nagpataas ng sulok sa labi ni Adelaida. Hinarap niya muna ang mga dalaga't binata saka nagsalita.
"Nakikita niyo ba ang kadena?" tanong ng babae. Kumunot naman ang noo nilang anim.
"Kadena? Wala naman ah," sagot ng lalaking nakasuot ng itim na shirt.
"Oo nga," dugtong ng mahinhin na babae.
"Kung gayon ay hindi kayo ang tamang mga taong dapat kong pagsabihan ng tunay kong pagkatao," mahinahong sagot ni Adelaida. Tinignan niya ang babaeng masungit. "Hindi niyo ako sinagip, kailanman ay hindi na ako maisasalba. Sana'y hinayaan niyo ako sa kumbento. Wala naman akong magagawa kundi magdusa."
"Adelaida," sambit ng lalaking kanina pa nasa isang sulok at walang imik. Nagulantang ang pagkatao ni Adelaida nang marinig iyon.
"P-Paanong... paano mo nalaman ang aking pangalan?" di-makapaniwalang usal ng babae. Inakala niyang baka isa ring mortal na isinumpa ang lalaki ngunit nagkakamali pala siya. Iniangat ng lalaki ang isang lumang kwaderno na kapag hindi iningatan ay mapupunit agad. Puno ito ng tuyong dugo at may nakaipit pang balahibo ng manok.
"I saw this earlier at that place. I've accidentally read a few," sagot ng lalaki.
"Hoy bato! Ba't ngayon mo lang sinabi sa aming kupal ka?" inis na tanong ng babaeng maikli ang buhok, mas maikli pa sa pasensiya nito.
"It's not my story to tell," walang ganang sagot ng lalaki. Binuksan niya ang isang pahina. "And you would not believe everything written in there."
"Bakit? Anong nakasulat?"
"Akin na iyan," wika ni Adelaida at nagulat ang lahat nang lumutang ito sa ere at napadpad sa kamay ng misteryosong babae. Maingat niya itong hinawakan at hinarap sila.
"Olvidarme," sabi ni Adelaida, ito'y nangangahulugang kalimutan mo ako. "Sombras del pasado que pronto se desvanecerán del recuerdo. e olvidaras. Olvidaras mi nombre."
Shadows from the past, soon to fade from memory. You shall forget my name.
Sa isang iglap ay naglaho ang katawan ni Adelaida kasabay ng paglaho ng kanilang alaala sa babae. Nagtaka silang lahat kung anong ginagawa nila sa rooftop ng isang hospital.
"Hoy ba't nakakunot na naman ang noo mo, Sanchez?" tanong ni Fred, ang lalaking malinis ang gupit ng buhok at nakasuot ng itim na shirt. "Saka ba't ba tayo nandito?"
"Palagi namang nakakunot ang noo ni Rizal, tinatanong pa ba 'yan?" pang-aasar ni Claude, ang lalaking singkit ang mata at mukhang Koreano. "Ganiyan na 'yan simula noong iniluwal ni Tita, ikaw ba naman bigyan ng pangalan niya."
BINABASA MO ANG
Kadena
General FictionY los siete pecadores están destinados a ser uno. Lahat tayo ay may kadenang nakapulupot sa ating mga kaluluwa. Kinukulong nito ang tunay na kaligayahan sa pinakamadilim na parte ng ating pagkatao. Kaya kahit walang mabigat na rason, kusa tayong nak...