I just want to thank ninabvv for the cover! Are you looking for a new romance book? You guys can check out her work!
By the way, pinalitan ko pala ang pangalan ng babaeng bida. From Geredel, naging Adelaida. I just think it's a modern name and is not suitable for the main character. The plot is still the same. Thank you for reading!
__________
Kabanata 4 - Bagong Henerasyon
Ilang oras ang ginugol nila upang makarating sa maingay na daan na puno ng sasakyan at mga building na bago sa paningin ni Adelaida. Ang pinagtataka niya'y ang mga matang nakatingin sa kanilang dalawa ni Stone na para bang kinikilatis ang bawat parte ng kanilang katawan.
"Bakit sila nakatingin?" tanong ni Adelaida kay Stone. "Nakikita rin ba nila ang kadena?"
"Nah, I don't think so," sagot naman ng lalaki. Tinignan niya ang kabuuan ni Adelaida. "Mukhang tinitignan nila ang suot mo."
Napatingin naman ang babae sa suot nitong hospital gown. Hanggang tuhod ang kaniyang suot at wala itong undergarments. Manipis ang tela kaya kahit papaano'y nakikita ng mga tao ang nasa loob. Nang mapagtanto iyon, inilagay ni Adelaida ang kaniyang mahabang buhok sa harapan.
"Naghihinala siguro silang ako'y hinalay mo," seryosong sagot ni Adelaida. Napasimangot naman si Stone.
"You look like a patient, inakala siguro nilang takas ka sa mental," sabi naman ni Stone. Kumunot ang noo ng babae.
"Mental? Ano iyan? Isa ba iyang nakakatakot na kulungan na puno ng mga Kastila?"
Mahirap patawanin ang batong lalaki kahit ano pang gawin ng kaniyang mga kaibigan, ngunit sa babaeng kaharap ay natatawa siya sa kainosentehan nito. Pinigilan niya iyon at nagseryoso.
"May boutique," sabi niya at tinuro ang tindahan na nasa harap. Maraming mga tindahang nakahilera sa tapat nila at iyon lamang ang nagtitinda ng mga damit.
"Botik?" naguguluhang tanong ni Adelaida. Hindi siya sinagot ng binata at sa halip ay hinawakan ni Stone ang kamay nito saka tumawid sa daan. Hindi nakapaghanda si Adelaida sa ginawang iyon ni Stone.
"Ano ba iyong may apat na gulong at mabilis tumakbo? May dalawa rin, may tatlo," tanong ni Adelaida.
"Transportations," maikling sagot ni Stone.
"Anong nangyari sa mga kalesa? Naubos na ba ang lahat ng kabayo sa Pilipinas noong giyera?"
Mahinang tumawa si Stone sa tanong na iyon. "There are still horses, but cars are convenient and faster."
"Cars?" tanong na naman ni Adelaida. Nainis siya sa di malamang dahilan. "Molesto! Marami pa akong di nalalaman!"
Huminto sila sa tapat ng boutique. Unang pumasok si Stone at sumunod naman si Adelaida na hindi mapakali sa bagong hanging nalalanghap niya. Parang may kakaibang bango. "Kakaiba ang hangin na 'to, hindi katulad noon. Bakit biglang nagbago ang simoy ng hangin nang pumasok tayo dito? May kapangyarihan din ba ang may-ari nito?"
Hindi na lang pinansin ni Stone ang sinabi ng dalaga tungkol sa aircon. Sa halip ay pinagtuunan niya ng pansin ang mga damit pambabae na naka-display.
"Anong gusto mo?" tanong ni Stone. Napailing pa ang binata nang makita niyang nilapitan ni Adelaida ang aircon at inamoy-amoy iyon. Mabuti na lang at kaunti lang ang mga taong naroroon at abala rin sa pamimili ng damit.
"Ginoo!" tawag ni Adelaida kay Stone. "Anong klaseng mahika ito? Binabago nito ang hangin! Baka mamaya'y nilalason na tayo!"
"It's just an aircon," sagot ni Stone. Hinila niya si Adelaida papunta sa isang rack na puno ng mga bestida. "Pumili ka ng susuotin mo."
BINABASA MO ANG
Kadena
General FictionY los siete pecadores están destinados a ser uno. Lahat tayo ay may kadenang nakapulupot sa ating mga kaluluwa. Kinukulong nito ang tunay na kaligayahan sa pinakamadilim na parte ng ating pagkatao. Kaya kahit walang mabigat na rason, kusa tayong nak...