Kabanata 6 - Linlang
"Y los siete pecadores están destinados a ser uno."
Tumatakbo si Adelaida habang hinahabol ng sarili nitong anino. Hinihingal siya at pinagpapawisan. Suot niya ang isang hospital gown.
"Y los siete pecadores están destinados a ser uno."
Sa unahan ay nakita niya ang pigura ng isang lalaki. Napahinto siya't napaatras at liliko na sana nang sinalubong siya ng lima pang pigura. Napahinto siya. Di niya alam ang gagawin at saan pupunta. Natatakot siya't nanginginig.
"Y los siete pecadores están destinados a ser uno."
Hanggang sa tuluyan na siyang nilamon ng sariling anino.
-----------
Nanatiling nakatingin si Adelaida sa bintana ng kwarto kung saan siya natulog. Dalawa kasi ang kwartong naroroon sa condo ni Stone. Tinatamaan ang mukha ng babae ng malakas na hangin ngunit hindi iyon inalintana ni Adelaida. Alas-dos pa lang ng umaga ay nagising na ang dalaga, o mas tamang sabihin na hindi ito makatulog.
Hindi niya magawang ipikit ang mga mata matapos dalawin ng masamang panaginip na iyon. Paulit-ulit ang mga kataga sa isipan niya at hindi na yata matatanggal sa kaniyang katauhan.
Pinlano ng magkakaibigan na doon matulog sa condo ngunit tinaboy na sila ng masungit na si Stone. Tahimik na ngayon ang kaninang maingay na condo ngunit wala nang mas iingay pa sa magulong utak ni Adelaida.
Napagpasyahan niyang lumabas ng kwarto. Dinala siya ng kaniyang mga paa sa kusina na madilim dahil walang ilaw. Ngunit sa dalawandaang taong pagkakakulong sa isang silid na walang ilaw ay nagbigay sa mata ni Adelaida ng kakaibang liwanag.
Kinuha ni Adelaida ang kutsilyo mula sa kinalalagyan nito. Dahan-dahan nitong hinawakan ang matalim na parte at diniin sa daliri niya. Umagos ang dugo mula rito ngunit wala siyang maramdamang sakit.
Sunod na sinugatan ni Adelaida ay ang pulsuhan nito. Umagos ang pulang dugo at may ilan pang pumatak sa kulay-abo na sahig. Ngunit kagaya ng unang sugat ay walang maramdamang sakit si Adelaida.
Susugatan na sana ni Adelaida ang kaliwang kamay nito nang biglang bumukas ang ilaw at tumambad sa kaniya ang mukha ni Stone. Agad kinuha ng lalaki ang patalim sa kamay nito.
"Are you insane?!" sigaw ni Stone. Sa di malamang dahilan ay nanghina ang tuhod ni Adelaida at napaupo sa sahig. Tumulo ang mga butil ng luha mula sa mga mata niya.
"T-Tapusin mo na ang paghihirap ko, ginoo," mahinang sabi ni Adelaida sa nakatayong lalaki. Hinawakan nito ang binti ni Stone. "Nakikita mo ang kadena, diba? Tanggalin mo na! Putulin mo't wasakin!"
"I can't even touch it," sagot ng lalaki. Sinubukan nitong hawakan ang kumikinang na kadena sa leeg ng dalaga ngunit hindi man lang dumikit sa palad nito.
"Nauulit ang nakaraan, Stone! Ikaw, ako, sila..." bulong ni Adelaida. Napaluhod si Stone at hinawakan ang balikat ng babae. "S-Sana di niyo ako nakita sa kumbento. Sana hinayaan niyo na lang ako doon!"
"W-What's happening?" tanong ni Stone.
"Kaya pala di ko mabasa kung sino kayo sa nakaraan niyong buhay," tumawa ng mapait si Adelaida. "B-Bakit kailangan ko kayong makitang muli?"
"Hindi kita maintindihan, Adelaida," sabi ni Stone. Hinawakan nito ang duguang kamay ng babae. "Gamutin natin 'to. Come on."
"Bitawan mo ako!" sigaw ni Adelaida. Napatakip ito sa tainga niya na para bang may naririnig na hindi naririnig ng binata. "Gusto kong mamatay! Aaaah!"
BINABASA MO ANG
Kadena
General FictionY los siete pecadores están destinados a ser uno. Lahat tayo ay may kadenang nakapulupot sa ating mga kaluluwa. Kinukulong nito ang tunay na kaligayahan sa pinakamadilim na parte ng ating pagkatao. Kaya kahit walang mabigat na rason, kusa tayong nak...