/3/ She is Dying

40.9K 2.2K 552
                                    

I'm tired ofAnd I kinda want todisappearBut sometimesI'm wishingThere will be magicTo save meFrom Dying

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I'm tired of
And I kinda want to
disappear
But sometimes
I'm wishing
There will be magic
To save me
From Dying

/3/ She is Dying

[THEODORE]


"NASAAN na 'yung yelo, Theo?" I ignored my senior's question when I returned. Kaagad kong hinanap si Nadia at nagulat siya nang makita ang itsura ko, nervous with determination.

"Theo? Okay ka lang?" tanong ni Nadia.

"Nadia, pahiram ako ng motor mo, give me the keys," kumunot ang noo ni Nadia nang marninig niya ang sinabi ko. Naramdaman kong may kamay sa balikat ko at nakita 'yung senior ko na nanghihingi ng yelo pero hindi ko ulit siya pinansin. "Nadia, just give me the keys!" mukhang nataranta naman si Nadia at dali-daling kinuha sa bag niya ang susi ng motor.

"Theo, 'yung yelo—hoy!" pagkakuha ko ng susi ay patakbo akong umalis doon.

Lumabas ako ng gusali at kaagad na sumakay sa motor ni Nadia na nakaparada. Sinuot ko 'yung helmet, binuhay ang makina at pinaharurot ang motor.

I honestly don't know what I'm doing. Basta ang alam ko mabilis kong pinapatakbo sa main road 'tong motor para mahabol 'yung van na dumakip sa misteryosang babaeng 'yon. Even though I don't know here, there is still unanswered question like how did she know me and why did she show up here in Manila.

My instinct just kicked in when I saw her abduction; I need to save her for no definite reason. She asked for help and I need to do something. Hindi ko kayang magbulag-bulagan sa nakita ko kaya wala akong nagawa kundi... ito.

Ilang sandali pa'y nakita ko 'yung van at bigla itong lumiko sa isang eskinita, bahala na nandito na ako. Lumiko rin ako at nakita kong nakahinto ang van sa tapat ng isang gusali—parang isang warehouse. Pinarada ko sa gilid 'yung motor at dahan-dahang lumapit sa gusali.

I can't hear any noise from inside, there's just a dim light. Napalunok ako at biglang kumabog 'yung dibdib ko, what if they're armed? I can't help but think of the possibility of dying here, just because of a stranger woman.

Gusto kong mapa-face palm, am I trying to be hero? I don't know... I'm confused. Kailangan kong kumalma, huminga muna ako ng malalim. Kung mamamatay ako ngayon, siguro oras ko na talaga. Ganoon naman 'yon 'di ba? Kapag oras mo na, oras mo na talaga. Kung hindi, better.

Wala akong masilip na kahit na ano sa loob dahil sa mga nakaharang na kahon, mukhang storage 'to ng isang factory. I carefully sneaked inside at bigla kong narinig ang isang musika na nanggagaling sa radyo, a song from 80s.

I held my breath as I walk without trying to make a noise, sinusundan ko kung saan nanggagaling 'yung music at natigilan ako saglit nang makita ko ang isang babaeng nakaupo, sa tabi niya'y may mesa at lumang radyo na nakapatong. Nakatalikod siya mula sa akin at walang ibang tao kaya dali-dali ko siyang nilapitan.

Will You Cry When I Die? (Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon