/16/ Project: Afterlife

23.8K 1.2K 163
                                    

Don't you know that our heart is the most powerful organ in our body? 'Coz our heart has a mind of its own

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Don't you know that
our heart
is the most powerful organ
 in our body?
'Coz our heart has
a mind of its own.


/16/ Project: Afterlife

[JUNIPER]


"YOU never told me that you have a fiancé." Narinig kong nagsalita si Theo, walang bakas ng kahit na anong emosyon sa kanya, nang maiwan kaming dalawa sa loob ng Hema's Coffee.

Kanina pa umalis si Levi nang tanggihan ni Theo ang alok ng nauna, but Levi said that he'll leave Theo to think about his decision and he said that he'll be back again soon. Hindi ko nakuhang makapagsalita at hindi ko na nabigyang linaw kay Theo na dati ko siyang fiancé.

"M-matagal nang na-cancel ang engagement naming dalawa," sagot ko sa kanya at kita ko ang blangko niyang mukha. I can't figure out what he's thinking but I am bothered if he's considering to sell this place because I know Levi, hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya.

Levi Ching, he is well known in the industry because at such young age he was able to dominate the business world. Kaya nga hindi na ako nagtataka na siya ang napili ni Ah Ma noon na para ipakasal sa'kin.

I can still remember the first day I was introduced to him, there's something strange in his aura that I can't stand. The feeling of intimidation was there and I never imagined myself having a family with him.

Dahil sa naging desisyon noon ni Ah Ma ay napilitan ako noong subukan na kilalanin si Levi, 'yong mga panahong akala ko ay wala na akong kawala sa tradisyon. We went for several dates, dinala niya ako sa mga eleganteng lugar at wala akong masasabi sa husay at talino niya sa negosyo. He's perfect and it's too surreal for me.

Kung madali lang turuan ang puso na pilitin na magmahal ay baka ginawa ko noon sa kanya, pero hindi—dahil may sariling utak ang puso ko at pinili nito kung sino ang dapat kong mahalin.

"You looked surprised when you saw him." Narinig ko ulit ang boses ni Theo at nakita ko siyang bumalik sa mesa para ayusin 'yung mga papeles galing sa opisina. "So, you're not that alone after all."

Alam ko kung anong piangangahulugan niya dahil minsan kong sinabi sa kanya noon na wala na akong ibang kakilala, kaibigan at pamilya. Hindi ko na tuloy alam kung anong isasagot ko.

Isa sa mga nakasaad sa kasunduang pinasok ko'y hindi ako makikilala ng mga taong kilala ko noon kahit na gamit ko pa rin ang tunay kong pangalan—well, because this body doesn't have a heart. But there are exemptions; there are only two kinds of people who can recognize me: A psychic or a person who has a developed sixth sense, and another Heartless who's under the program like me.

Will You Cry When I Die? (Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon