"Everybody's looking for a love
To start a riot
But every time I look in your eyes
The world gets quiet"
/6/ Winds of Change
[THEODORE]
NAGISING ako nang marinig ko ang ingay na nagmumula sa living room, mga boses at tawanan ng mga babae. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at unang tumambad sa'king paningin ang pamilyar na alarm clock sa side table.
I tried to remember how I ended here in my bed but I can't. Mukhang napadami ang inom ko kagabi at hindi ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari. There's only one person who's with me and I bet she's responsible why I'm here.
Bumangon ako at nakita ko si Frida at si Juniper na katabi si Buddo sa may living room. Huminto silang dalawa sa pag-uusap nang makita ako.
"Oh, gising na pala ang basagulero kong pinsan," komento ni Frida at humalukipkip.
"What are you doing here?" iyon ang unang lumabas na mga salita sa bibig ko. I grabbed my eyeglasses beside me and I wore it to see them clearly.
"What a warm welcome, cousin, dati namang pumupunta ako rito hindi mo naman ako tinatanong ng ganyan," may bakas ng kunwaring pagtatampo ang boses ni Frida at tiningnan niya ako ng malisyoso. "Porque ba may pinagkakaabalahan ka na ha."
"Shut up, Frida," geez, kay aga-aga inaasar ako nitong babaeng 'to. Tumayo ako para pumunta sa may dining table dahil naaamoy ko na may masarap na pagkaing nakahain doon pero na-realize ko na nakasuot lang ako ng puting T-shirt at boxer shorts, hindi ko maalalang nagpalit ako ng damit kagabi.
"You threw up last night," sagot ni Juniper sa tanong ko sa isip, she probably saw the question in my face. "I had to change your clothes dahil ang baho ng amoy."
She—what? I blushed on that thought and I heard Frida's devious laugh, tinitigan ko siya ng masama pero hindi pa rin siya natigil. Nasulyapan ko 'yung sarili ko sa salamin sa may sala at nakita kung gaano kagulo 'yung buhok ko.
"Kahit kailan talaga ay napakababa ng alcohol tolerance ng pinsan kong 'to," nang-aasar na sabi ni Frida sa pagitan ng pagtawa. "Palaging alagaing baby 'yan sa inuman!"
"Kain na," napalingon ako kay Juniper at nakitang hinainan niya 'ko. Parang wala lang sa kanya 'yung mga naririnig niyang pang-aasar sa'kin ng pinsan ko.
Kaysa sumakit lalo ang ulo ko ay umupo na lang ako para kumain. Bumalik si Juniper sa tabi ni Frida at ako naman ay tahimik lang na sumandok ng sinangag nang may maalala ako.
"Shit! Male-late na 'ko!" akma akong pupunta ng CR nang maalala ko kung anong nangyari kahapon.
"Theo," tawag sa'kin ni Juniper at nakita kong nakatingin sila sa'kin ni Frida na may bakas ng pag-alala.
BINABASA MO ANG
Will You Cry When I Die? (Published Under PSICOM Publishing)
RomanceWhen lethargic university lecturer, Theo Gomez, meets an enigmatic and mysterious woman one night, he never expects his life to change forever. Yet, when Juniper asks him the haunting question "Will you cry when I die?" he is drawn into a passionate...