/15/ Another Heartless

22K 1.3K 294
                                    

I think fate is cruel to make us meet along the intersection pointof our livesand then our pathswill part forever

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I think fate is cruel
 to make us meet along 
the intersection point
of our lives
and then our paths
will part
forever


/15/ Another Heartless

[JUNIPER]


LIFE will never be fair. Some are born with a definite purpose and some don't. May ipinanganak na mayaman, may ipinanganak na mahirap. Kaya may ilang nagsasabi na nasa mga kamay natin ang magiging takbo ng kapalaran, pero kahit ano pa man ang gawin natin may dalawang bagay tayong hindi matatakasan: we will suffer and we will die.

Life is not fair because it snatched away the most precious thing to me: time. And now I was given a chance to have more of it, unti-unting pinapaalala sa'kin ngayon na lahat ng bagay ay may hangganan at katapusan.

From one moment I was dancing with him and having the time of my life and then a few moments later I met this kid in the party who reminded me of my grim fate.

"Mommy, she don't have a heart!" naalala ko pa rin ang takot sa mukha ng batang babae habang nakaturo siya sa puso ko at hindi nakatakas sa'king paningin na katulad ko'y wala ring puso ang batang babae.

I was dumbfounded to see the little girl and then Azrael, the 'angel', showed up.

"She's also a 'Heartless', delikado ka, Juniper, 'yung kausap ni Theo ay mukhang psychic, he can sense that something's wrong with you. Get the hell out of here." Utos niya at dali-dali akong umalis.

Akala ko magiging madali lang ang lahat kapag bumalik ako at ginawa ko ang bagay na gusto kong gawin bago ako mawala sa mundo, ang makapiling siya kahit sa huling pagkakataon—kahit na hindi niya ako naalala.

Pero hindi pala, hindi pala madali. Ang dami kong mga bagay na inakala, akala ko kaya kong pigilan ang damdamin ko pero hindi pala. Akala ko hindi niya ako mamahalin—pero heto at minahal niya ako sa ikalawang pagkakataon. Masarap na masakit sa pakiramdam na mahalin akong muli ng taong minsan kong sinaktan, kahit na hindi niya nalaman ang totoo.

Masakit dahil kahit na gusto kong ipaalala sa kanya kung sino ako at para ipaliwanag ko sa kanya na hindi ko siya iniwan, hindi pwede. Hindi pwede dahil nasa isang kasunduan ako na hindi ko pwedeng sirain.

"Maswerte ka alam mo ba 'yon," Azrael's words snapped me back to reality. Napatingin ako kay Theo at nangangambang baka maalimpungatan siya.

"Ilang beses ko nang narinig 'yan sa'yo." Mahinang sabi ko at nakita ko si Buddo na lalapit kay Azrael subalit tumagos lamang ito rito, he's a hologram program afterall.

"Maswerte ka dahil okay lang sa may-ari ng katawan na 'yan na gamitin ang katawan niya na—"

"Azrael," putol ko sa sasabihin niya. "Please."

Will You Cry When I Die? (Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon