/8/ My Heart Aches

28.4K 1.5K 246
                                    

We are all liarsWe made liesTo protectOurselvesour loved onesFrom pain

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

We are all liars
We made lies
To protect
Ourselves
our loved ones
From pain

/8/ My Heart Aches

[THEODORE]


"AND the best cupcake award goes to... Juniper and Theo!" nagpalakpakan ang mga tao at maging siya'y pumalakpak na parang bata.

"We won?" hindi pa niya makapaniwalang sinabi habang nagniningning ang kanyang mga mata. Ngumiti na lang ako ng alanganin sa kanya habang nakatingin sa amin ang ibang tao na kasama namin ngayon sa baking workshop.

Day three na magkasama kami ni Juniper, naisipan niya kaninang umaga na pumunta sa isang baking workshop na nakita niya sa internet, hiniram niya kasi 'yung laptop ko para mag-search at natagpuan niya 'yung website na Lizzie's Kitchen.

Umalis kami ng condo na walang agahan dahil 9 am ang simula ng workshop. Kanina pa nga ako nagugutom at natatakam habang gumagawa kami ng cupcakes. Pagkatapos meron palang awarding na best cupcake award at akalain mo't kaming magpartner pa ang nanalo.

Guess what design we did? Unicorn cupcakes.

After we wrapped up, we received our price, dalawang dosenang cupcakes. I guess its hello Diabetes.

"Where should we eat?" tanong ni Juniper habang naglalakad kami palabas ng gusali.

"Excuse me?" napahinto kami parehas nang tawagin kami ng isang babae. Lumapit ito sa'ming dalawa. "Are you the owner of Hema's Coffee?"

Nagkatinginan kami ni Juniper. I looked at the woman again and I actually don't know what to say, then I felt Juniper's hand tapping my shoulder.

"Ah... Yes," napatingin ako sa sahig. 'But it's closed now."

"I know," may bakas ng simpatya ang boses ng babae. "Namukhaan kita kanina at mukhang hindi mo na 'ko naalala. I'm Lizzie, frequent customer ako at ng mga friends ko sa coffee shop mo, I remembered that we almost agreed into a partnership."

"Partnership?" napaisip ako saglit dahil wala akong maalala na ganon. "I'm sorry... pero wala akong maalala na ganon."

"Well, it's been two years, you might not remember it kasi verbal agreement lang naman."

After that short talk, habang naglalakad kami papunta sa malapit na mall ay hindi mawala sa isip ko 'yung sinabi ng babae kanina. I might not remember that I almost had a partnership with the owner of Lizzie's Kitchen due to the therapy, pero weird pa ring coincidence dahil nagkita kami ngayong araw.

"Why don't you consider it again?" biglang nagsalita si Juniper at napatingin ako sa kanya.

"What?"

Will You Cry When I Die? (Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon