/26/ Intersection of Fate

21.1K 1K 172
                                    

One of life's greatest truthis that life itselfis just an illusion

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

One of life's 
greatest truth
is that life itself
is just an illusion


/26/ Intersection of Fate

[THEODORE]


"PASENSIYA na kung hindi ko napakilala ang sarili ko ng maayos, ako nga pala ulit si Yano," inabot nito ang kanang kamay at tinanggap ko 'yon. Naupo kami sa may sala habang ang pinsan kong si Frida ay abala sa may mini-kitchen sa paghahanda ng kape.

"Pasensiya na rin kung napagkamalan kitang boyfriend ng pinsan ko," sabi ko at lumingon sa amin si Frida.

"Hoy, pinagsasasabi mo?" mataray na sabi ng pinsan ko at lumapit siya sa'min, nilagay ang tray sa may lamesita at binigyan kami ng tig-isang tasa. "Alam ko ikaw, Theo, kaunti na lang iisipin ko na nababaliw ka na."

"Siguro nga," sagot ko kanya sabay higop ng kape.

"Ano'ng siguro nga? Alam mo bang tumayo ang mga balahibo ko sa sinabi mo kahapon, huwag ka namang manakot!" umupo siya katabi ni Yano, kaharap ko silang dalawa.

Tumikhim si Yano at natahimik na si Frida.

"Nakiusap ako sa pinsan mo na kung pwede kang puntahan dito dahil may gusto lang akong ibahagi—"

"Naku, kinukulit ko nga 'yang si Yano, ayaw talaga sabihin sa'kin!" sumingit na naman si Frida.

"Ano 'yon, Sir Yano?" tanong ko.

"Kahit Yano na lang ang itawag mo sa akin," sabi niya at tumango lang ako. "May mga bagay lang na bumabagabag sa'kin at gusto ko lang idetalye sa'yo."

Tumango lang ultit ako sa kanya at nakinig ako ng maigi.

Sinimulan ni Yano ang pagsasalaysay, matagal na niyang minamanmanan si Raul, ang kuya ni Nadia at siyang mismong inutusan ni Tito Ivan para sunugin ang Hema's Coffee, dahil si Raul ang dumakip sa batang matagal na nilang hinahanap, at ang batang 'yon ay si Rosy, walang iba kundi apo ni Tito Ivan.

"Pero sandali... Paano naging si Rosy ang batang hinahanap niyo?" tanong ko nang huminto saglit si Yano.

Nagpatuloy si Yano, wala silang ibang makitang resonableng paliwanag, ang alam niya'y kamukhang-kamukha nito ang batang hinahanap niya na nagngangalang Camille. Namalayan na lang ni Yano na nakatanggap siya ng tip mula sa isang tao na imbestigahan ang Villa Roma mansion kung nasaan si Tito Ivan. Sumingit bigla si Frida sa usapan.

"Actually, ako 'yung tumawag kay Yano para manghingi ng tulong dahil nawawala ka Theo."

"Ito ang ikinakabagabag ko," sabi ni Yano. "Kung sino ang nagbigay sa'kin ng tip tungkol sa Villa Roma mansion."

Will You Cry When I Die? (Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon