/13/ Ta Amayo Contigo

25K 1.4K 621
                                    

"Kung lumisan ka, wag naman sanaIka'y kumapit na, nang di makawala"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kung lumisan ka, wag naman sana
Ika'y kumapit na, nang di makawala"

/13/ Ta Amayo Contigo

[THEODORE]


SABAY naming itinaas ni Juniper ang steel roller shutter at tumambad sa'ming paningin ang dati kong coffee shop na mukhang abandonado dahil sa dumi nito sa loob. Tumingala ako at nakita ang signage na halos kalawangin na.

HEMA's Coffee

Sa tuwing madadaanan ko 'to papuntang university galing mall ay hindi ako makapaniwala na minsan akong nagmay-ari ng isang coffee shop, sa edad ko'y nagawa kong makapag-invest ng isang business. Unfortunately ay hindi rin 'to nagtagal.

"Theo," Natauhan ako nang marinig ko ang boses ni Juniper, mabuti dahil unti-unti akong nilalamon ng kalungkutan na dinulot ng kahapon. "The key?"

Kinuha ko mula sa bag na dala ko 'yung susi para buksan 'yung store, pumasok kami sa loob pagkatapos mabuksan.

"This place used to be lively." Hindi ko mapigilang sabihin pagpasok namin. Si Juniper naman ay kaagad na nilibot ang lugar. Hindi naman gano'n kalaki ang coffee shop kaya hindi ito nawawalan dati ng customers. Nagplano ako noon na magdagdag ng second floor pero hindi natuloy dahil sa trahedya.

Pinahid ko 'yung daliri ko sa isang mesa at dumikit ang makapal na alikabok. Hinanap ko 'yung switchboard ng kuryente at binuksan 'yon, hindi na gumagana 'yung mga ilaw. Pumunta ako sa dati kong office at walang nadatnang gamit doon maliban sa office table and chair, at isang cabinet.

Paglabas ko'y nakita ko si Juniper na nasa may bar counter at nakapamewang, humarap siya sa'kin nang makita ako.

"You owned this place, right?" tanong niya bigla. "I mean, 'yung commercial lot na 'to, sa'yo."

"Ah, yes. Dati 'tong lugawan na madalas kong kainan, naging malapit ako sa lolo na may-ari kaya sa'kin niya binenta."

"Good, tsaka na natin problemahin 'yung business registration mo. Let's clean this place first." She said with assertiveness, makikita mo sa itsura niya na alam niya ang gagawin.

"Juniper..." hindi ko mapigilang maalala 'yung nangyari noong isang gabi. "A-are you sure about this? Hindi ba't may ilang araw na—" shit, Theo, what the hell are you saying? How do I put this? Paano ko sasabihin sa kanya na mas gugustuhin ko na lang muna na makasama siya sa natitira niyang araw kaysa tulungan ako rito. "This is hopeless, matagal ko nang natanggap na sarado na ang coffee shop ko."

"What are you saying?" tumaas ang kilay niya nang sabihin 'yon. "Hindi pa ba naging malinaw 'yung napag-usapan natin kahapon?"

"Pero—"

Will You Cry When I Die? (Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon