"I've tried so hard to tell myself
that you're gone
But though you're still with me,
I've been alone all along"
/21/ Unveiling Masks
[JUNIPER]
WE never learn.
That's the reason why history keeps repeating itself, rather humans keep repeating history. Mali pala ang akala ko noon na sadyang mapaglaro lang ang tadhana at paulit-ulit nitong inuulit ang mga nangyari noon. Well, I guess, there's something that I didn't learn that's why it happened.
Hindi ko na dapat guguluhin si Theo at hahayaan ko na lang sana ang kagusuthan niya na lumayo ako pero mukhang hindi ko kayang gawin. Lalo pa't kailangan ko siyang protektahan mula sa taong inaakala niyang may totoong malasakit sa kanya.
"Ma'am," nag-angat ako ng tingin at nakita si manong guard at inabot ang isang cup ng mainit na kape. "Kape ka muna, ma'am, malamig ang panahon."
Napatingin ako sa labas at nakita ang malakas na pagbuhos ng ulan. Hindi ko na mabilang kung ilang oras akong nakatambay dito sa lobby at naghihintay na makita siya pero mula kahapon hanggang ngayon ay hindi lumalabas si Theo. Kada tunog ng elevator bell ay hindi ko maiwasang tumingin doon sa pag-asang baka makita ko na siya, pero bigo ako.
"Thank you," tinanggap ko ang kape. Siguro naaawa na sa'kin si manong guard dahil alam niya na ang tagal ko nang naghihintay.
"Juniper?" a familiar voice called me and then I saw Frida who's smiling widely. "My goodness, what are you doing here?" tumayo ako para salubungin ang yakap niya. "Nasaan ang magaling kong pinsan? Bakit iniwan ka rito?"
For a moment I don't know what I'm going to tell her, and then I saw her expression changed to sadness.
"Nabalitaan namin ang nangyari sa Hema's Coffee, that's why I'm here," hinawakan niya ako sa kamay. "Hinihintay mo ba si Theo?"
Umiling ako at huminga ako ng malalim, mukhang kailangan kong sabihin sa kanya.
"Frida, we... we already broke up." I chose those words para mas maintindihan niya ang sitwasyon. Frida's eyes widened and then we sat on the sofa.
"Ha? Ano?" halata sa kanya ang labis na pagkagulat at hindi malaman ang sasabihin. "Bakit ka nandito? Teka, I'm so confused. Humanda sa'kin 'yang lalaking 'yan!"
"Frida," I called her. "I wanted to see him but he's avoiding me. Can you help me?"
Ilang segundo kaming nagtitigan ni Frida, ang kaninang naaawang mukha ay napalitan ng inis ngayon dahil sa nalaman niya.
BINABASA MO ANG
Will You Cry When I Die? (Published Under PSICOM Publishing)
RomanceWhen lethargic university lecturer, Theo Gomez, meets an enigmatic and mysterious woman one night, he never expects his life to change forever. Yet, when Juniper asks him the haunting question "Will you cry when I die?" he is drawn into a passionate...