/10/ When We Grow Up, Our Hearts Die

26.8K 1.4K 212
                                    

Lie down beside me and let's talk about anything until we sleep until the end of our time

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lie down beside me
and let's talk
about anything
 until we sleep
until the end
of our time


/10/  When We Grow Up, Our Hearts Die

[THEODORE]


"YOUR home is beautiful."

Iyon ang komento ni Juniper nang makapasok kami sa loob ng luma naming bahay. Inihatid kami ni Sam dito habang siya na ang bahala sa kotse ko mag-ayos, mukhang masyadong natuwa sa'min ni Juniper at hinayaan ko na.

"Who's living here?" tanong niya habang lumilibot ang kanyang tingin sa sala.

"'Yung caretaker lang," tinutukoy ko si Mang Toni na nagbukas ng gate sa amin kanina. "All of the rooms are upstairs."

Mabuti na lang at nagbaon siya ng damit niya, parang handa talaga siya na mangyayari 'to ngayong araw. Ako naman ay may mga lumang damit sa dati kong kwarto na pwede kong suotin.

Hindi ko rin maiwasang pagmasdan 'yung dati naming bahay. It feels like it didn't change, maliban na lang sa katotohanan na wala ng nakatira rito, paminsan-minsan kapag umuuwi ako rito sa amin ay mas madalas akong nakikitulog sa mga pinsan ko.

Napahinga ako ng malalim, parang kailan lang ay bata pa lang ako at dito ako nagkaroon ng isip. Pakiramdam ko tuloy naririnig ko ang boses nila mama at papa, pati ang lumang musika na tumutugtog tuwing Linggo. Ang nakalipas na kahapon, kay sayang balikan pero nakakalungkot na hindi na 'yon maibabalik pa.

Mabuti na lang at hindi pinababayaan ni Mang Toni ang bahay namin. Ang mga antique na furniture at ilaw ay ganoon pa rin. Regular niya kasing nililinis ang bahay at pinapalitan ang mga bumbilya, ultimo nga 'yung orasan ay umaandar pa rin.

Umakyat kami ni Juniper sa ikalawang palapag.

"Uhm..." bigla akong huminto sa harapan ng silid ko at napakamot sa aking ulo.

"What's wrong?" tanong ni Juniper at nasa likuran ko siya.

"Ano kasi, tatlong kwarto lang ang meron dito, 'yung sa parents ko at sa guest room ay ginawa ng storage room kaya 'yung kwarto ko na lang 'yung—"

"It's okay, we can share the room," sabi niya at nauna siyang pumasok sa loob ng kwarto ko. "This is amazing. Halos kasing laki nito ang unit mo ah."

She's right, malaki kasi 'yung kwarto ko na 'to kasi may sariling C.R. at medyo malaki 'yung study area na may bookshelf.

Wala akong nagawa at pumasok na lang din ako sa loob. My room still looks like the same when I leave it, hindi ko na nga matandaan kung kailan ako huling natulog dito eh. Pero na-miss ko 'yung antique na amoy, 'yung amoy probinsya.

Will You Cry When I Die? (Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon