Prologue

1.9K 51 2
                                    

Pitong oras ang biyahe mula sa Akri City, ang pinakadulong lungsod ng Ignosi, papunta sa isang lugar kung saan malayo sa ingay at polusyon ng siyudad.

Neos. Hamak na hindi pa masyadong maunlad ang bansang ito, at mas kaunti ang mga kilalang aima. Hindi katulad sa Ignosi.

Buong gabi siyang nakasakay ng bus, nakasuot ng itim na jacket at nakatakip sa ulo ang hood nito. Hindi niya na suot ang kwintas. Walang magtatangkang mag-isip na siya ang anak ni Calidan Urion, at ang nag-iisang tigapagmana ng pinakalamakas na enistha sa mundo. Walang makakaalam, maliban siguro sa mga mata niya. Kaya sa buong biyahe ay iniwasan niyang tumingin sa ibang tao, mas mabuti pang matulog na lang.

Umabot ng madaling araw at dumadaan na ang bus sa isang lugar na malayo sa sibilisasyon. Paakyat sa bundok ng Ypsilos, kung saan sa tuktok nito ay ang Mitra Village.

Sumilip si Karis sa bintana. Nakikita niya na ang anino ng maliit na village sa kalayuan. Nakaramdam siya ng pag-asa. Dito niya sisimulan ang bagong buhay.

*****

"Today is the official opening of Choros Academy, the aima school funded by the heads of the Ezio, Phyllis, Galena, and Meagan clans..."

Pinakita ang litrato ng apat na clan heads sa TV. Isa dito ay si Julian Ezio, ang pinakabatang naging pinuno ng Ezio clan magmula ng mag-retire ang tiyuhin niyang si Argus Ezio. Kilalang kilala ang pangalan niya ngayon bilang "most eligible bachelor" sa buong Ignosi. Magmula ng mahawakan niya ang lahat ng business at connections ng clan niya, mas naging makapangyarihan ang nga Ezio.

"... the academy not only aims to help young aimas be more efficient in using their thas, but also hopes to impose discipline and morals to those who will be studying in it. With its current headmaster, Fineas Parel..."

Kilala rin siya bilang isa sa mga lumaban sa Owen Circle noon, dahilan ng pagkatalo nito.

Hindi ko namalayang napadiin ang hawak ko sa plastic na baso na binibigay dito sa kulungan. Natapon ang tubig sa palad ko.

May isang tumapik sa balikat ko.

"Kilala mo yang mga yan?" tanong ng babaeng preso na tinuro ang TV. "Mga mayayamang matapobre."

Binalik ko ang tingin ko sa sa litrato ni Julian Ezio. Siya ang una kong gustong patayin.

*****

A/N: The writing style might be different, since matagal ko nang sinulat ang TLC. Anyways, don't read any further if you haven't read the first book.

The Lost HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon