Chapter Twelve

865 23 0
                                    

KARIS URION'S POV

Nakasakay ako sa sasakyan ni Pierce na tinago niya pala gamit ang psetha sa may paanan ng Mount Ypsilos. Malapit na kami sa border ng Akri City. Ginagamot ko ang sugat ko sa likod gamit ang first aid kit ni Pierce.

Napatingin siya sa akin at biglang hinila ang kaliwang kamay ko. Hinawakan niya ang wrist ko at unti-unting lumabas ang bilog na mark. Tinago ko ang mark gamit ang mga basic na kaalaman ko sa psetha, para hindi ito makita ng mga villagers. Limang taon nang hindi sumasakit ang mark na 'to. Nakita ko ang isang kamay niya na nakahawak sa manibela, meron ding mark katulad ko.

"You're bad at psetha," sabi niya.

"Sapat na 'yon para mapaniwala sila," sagot ko.

Hininto niya ang sasakyan. Abot tingin ko na namin ang Akri City. Humarap siya sa akin at nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang magkabilang pisngi ko. Tinignan ko siya nang nagtatakha. Kumuha siya ng malaking jacket mula sa backseat at inabot niya sa akin.

"Suotin mo yan. Cover your head."

Ginawa ko naman ang utos niya. Nakita ko ang sarili ko sa rearview mirror. Kulay blue na ang mga mata ko dahil sa ginamit na psetha ni Pierce sa akin.

Pinaandar niya ulit ang sasakyan ang tuluyan na kaming pumasok ng border.

*****

JULIAN EZIO'S POV

Kakabalik ko lang ng office namg biglang tumawag si Damian. He already got an update about our investigation?

"Hello, Julian?"

"May bago ka na bang nalalaman?"

"Not yet. This is not about that. I got something even better."

"At ano naman 'yon?"

May sinabi siyang lugar, then, "... dalhin mo si Naiyah."

"Para saan ba 'to?"

"Sumunod ka na lang, Julianne."

He hung up. I thought about not going, but then it might be important. I can't predict what's on Damian's mind. I sighed. Pinatawag ko si Naiyah sa office niya. I made my bodyguards stay. Ako ang nag-drive papunta sa lugar na sinabi ni Damian.

*****

Falline, Naiyah, Damian, and I are gathered in a vacation house right outside the city. Si Falline ang nagmamay-ari ng vacation house na ito, sa pagkakaalam ko.

Nakangiting aso sa amin si Damian. Ano ba talagang balak nito?

"Bakit mo ba kami pinapunta dito? Reunion ba? Lagi naman tayong nagkikita," reklamo ni Naiyah. "Is this a prank, Damian?"

"Sinabi mo sa akin na may gusto kang ipakita sa squad," sabi naman ni Falline.

Narinig namin ang pagdating ng kotse sa labas. Tumakbo si Damian para buksan ang parking lot. Bumalik dito si Damian galing sa pinto naka-connect sa room na 'to at sa parking lot.

"Nandito na siya," he said excitedly.

The door opened again and Pierce entered. I remembered my task for him. Wag niyo sabihing...

The Lost HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon