KARIS URION'S POV
Panibagong araw na naman, panibagong araw sa pagtatrabaho. Limang taon na rin pala magmula ng manirahan ako dito sa Mitra Village, noong umalis ako sa Ignosi.
Kumusta na kaya sina Master Devan at Madame Carissa? Si Nilo, sigurado malaki na yun. At kumusta kaya yung baby nila? Babae kaya o lalaki? Ano na kayang ganap kina Naiyah, Falline, Damian, Pierce, at... Julian?
Kahit naman pumunta ako doon, isang tapak ko lang sa lupa ng Ignosi ay siguradong sa kulungan ako diretso. Hindi pa nila ako pwedeng makita ulit. Hindi ko alam kung kailan ako babalik, pero sisiguraduhin kong makakabalik ako para maipagmalaki ulit ang Urion clan.
Papalakad na ako papunta sa pub nang mahagip ng paningin ko ang isang taong may puting buhok. Paglingon ko sa direksiyon niya, wala nang tao. Iisa lang ang aima na kilala kong may puting buhok. Pero bakit naman siya mapapadpad dito? Nakita ko si Ailey Ezio dati, pero nakaalis na silang lahat sa Mount Ypsilos.
Baka namamalik-mata lang ako.
Pagpasok ko sa pub, nakita si Dachi. Yes! Mukhang may makakasama akong magtrabaho ngayong araw.
"Hoy, loko!" tawag ko. "Wala kang ganap ngayon?"
Tumingin siya sa akin saglit at tinuloy ang paghuhugas ng pinggan. Mukhang bad mood 'to, ah.
"Anong problema mo? May hangover ka ba?" pagbibiro ko. "Umiinom ka na nang wala ako?"
"Marami nang aima ang dumadayo dito," sabi niya. "Sinisira nila ang kapayapaan ng Mitra."
"Paano mo naman nasabi?"
"Wala, may nakita lang ako."
Magtatanong pa sana ako nang marinig ko na naman ang matinis na boses ni Urusai. Sumunod na lang ako, mukhang ayaw rin naman akong kausapin ni Dachi. Napaisip ako sa sinabi niya.
May nalalaman na ba siya tungkol sa akin?
*****
JULIAN EZIO'S POV
Nananakit ang ulo ko. Bakit ba ayaw akong tigilan ng clan ko? I told them a lot of times that I am not planning to find a wife any sooner. As of now, I've attended six dinners with six different women. And absolutely not even one of them caught my interest. As I've said, hindi rin naman talaga ako naghahanap. Hell, one of them was even five years older than me.
"Oh sige. Ako na lang ang magsisilbing matchmaker mo," Naiyah suggested.
"Is that your way of helping? Because no, thank you."
"Eh kasi naman, kung ayaw mo ng random selection, edi mag-categorize na tayo. Ako na ngang bahala eh, dahil kaibigan mo naman ako."
"Meagan..."
Naglabas siya ng notebook at ballpen. She adjusted her glasses to prepare herself in writing. Mukha siyang therapist na bibigyan ako ng mental health advise. Fitting, because this dating shit is stressing me out.
"So, Julian, ano ba ang tipo mo sa babae?"
"Are we really talking about this right now?"
BINABASA MO ANG
The Lost Hero
Fantasy[Book 2; Sequel to The Lost Clan] Since the Owen Circle's defeat, Ignosi has been living in peace and harmony. Five years later, an old enemy comes back more powerful than ever. Only one person can defeat them, but she's nowhere to be seen. Will Kar...