Chapter Seven

839 34 4
                                    

NAIYAH MEAGAN'S POV

Lumipas ang mga araw magmula ng pag-cancel ng legion exams ng Choros Academy. Nagkaroon ng bagong rule. Sa mga fourth year students na daw gaganapin ang legion exams, para mas skilled ang mga students na magiging examinee nito. Unang beses lang kasi naisipan ng National Legion na kumuha sa Choros ng mga aima na may balak na maging legionnaire pagka-graduate. Since second year palang ang batch ni Ailey, maghihintay pa siya ng dalawang taon.

So, as usual, nandito ako sa office ni Julian bilang secretary niya. I adjusted my glasses to sort out the files on his desk. Natapos ako nang wala pa rin si Julian. Tinignan ko muna ang paligid.

Nakasabit pa rin sa wall ng office niya ang Ezio Sword. As far as I know, hindi master ni Juliannang paggamit ng espada. He prefers to use his dagger. Karis was the one who used that sword. At dahil wala si Karis, nagsilbi na lang siyang decoration dito sa office.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Julian na mukhang dinaanan ng bagyo.

"You're late," sabi ko.

His slicked back hair was a little messy. Nakakunot ang mga noo niya. As he took his chair, he spoke without looking at me.

"Wala ako sa mood ngayon, Meagan."

Inilot ko ang mga mata ko. Aba, baka malamig na kape ang nainom nito ngayong umaga. He turned his chair to face the windows and look outside. Kilala ko na si Julian sa dalawang taon kong pagiging secretary niya, walang point kung makikipag-away lang ako.

Binuksan ko ang phone ko para tignan ang mga latest news. Bumungad sa akin ang unang headline.

"Youngest businessman, head of Ezio clan, Julian Ezio needs a wife"

Wait, totoo ba 'to? Hindi ba glitch lang sa salamin ko? Pinindot ko ang link at binasa ang article. Pagkatapos kong basahin, nagsalita ako.

"Kailangan mo ng asawa?" tanong ko.

Mabilis na umikot ulit ang inuupuan niya paharap sa akin, "Saan mo nalaman yan?"

Hinarap ko ang phone sa kanya. Sobrang laki ng fonts sa headline, hindi niya na kailangan ng Theama para mabasa. Halos makita ko na ang ugat sa gilid ng noo ni Julian. Napahawak siya sa sentido niyo at naririnig ko ang mga bulong niya.

"Fucking hell."

*****

JULIAN EZIO'S POV

I live in a house inside the compound of our clan. My clan. Ako na nga pala ang head ngayon. Ang main house nitong compound o yung pinakamalaking bahay ay yung manor kung saan ako dati nakatira, sa puder ni Uncle Argus. Being the head of the clan, dapat ako na ang magmamana ng manor na yun, pero napagdesisyunan kong ako ang lumipat at hayaan sina Uncle Argus at Ailey na manirahan pa rin doon.

Anyway, the point is that being head of clan, I have to often visit the elders. Yung mga elders ay madalas hinihingian ng advise dito sa Ezio Compound, sila kasi yung mga experienced na at tinuturing ng may galang dahil sa 'wisdom' nila. In short, mga matatandang Ezio.

The Lost HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon