PIERCE THEO'S POV
Habang abala sina Damian at Julian sa Ignosi sa mga ini-investigate nila, ang trabaho ko ngayon ay bantayan si Karis dito sa Mitra Village at siguraduhing hindi siya makakaalis sa paningin namin.
Julian said he can almost feel it in the air. It's about to happen again soon. A big war is just behind us. Hindi ko alam kung nagsimula na, o magsisimula palang, pero kung may malaman sina Julian at Damian, kailangan naming maging handa.
Nag-rent ako sa isang inn dito sa Mitra Village. I have to keep a low profile, since narinig kong ayaw nila ng mga aima dito. Eh sa buhok at mata ko palang, halata nang isa akong Theo. Hopefully, Karis is still clueless about me being here.
Gabi na at matutulog na sana ako nang makarinig ako ng ingay sa labas. Bumangon ako at sumilip sa bintana. I saw dark shadows moving fast all around the city. Nakasuot sila ng mga mask na kilalang kilala ko.
Plant benders again. Anong ginagawa nila dito sa village? Mukhang hindi maganda 'to.
Inayos ko ang mga gamit ko at lumabas.
*****
KARIS URION'S POV
Naglalakad ako pababa ng bundok. Bitbit ko ang lahat ng gamit ko. Ang apoy lang galing sa kamay ko ang ilaw. Nananakit pa ang ulo ko dahil sa tama ng alak sa pag-inom namin kanina ni Dachi. Pero kailangan ko nang umalis, dahil hindi ko alam kung sino pang aima na galing ng Ignosi ang nakahanap na sa akin.
Sa limang taon, kakaunti lang naman ang nakakakilala kay Ino sa buong Mitra Village. Mabuti na rin 'yon dahil ganon naman ang gusto ko, ang magtago. Siguradong hindi nila mapapansin kung mawawala ako. Si Dachi, siguro, pero makakalimutan niya rin ako agad.
Nakarinig ako ng mabilis na tunog ng mga yapak. Agad kong pinatay ang apoy sa kamay ko at nagtago sa likod ng isang malapad na puno. Inakala kong mga hayop ang mga tunog na 'yon, pero nakarinig ako ng mga boses.
"Wala kayong papatakasin."
Sumilip ako sa kanila. Nakita ko ang napakaraming plant benders na paakyat ng bundok at papunta sa Mitra Village. Isa sa kanila ang hindi nakasuot ng black robe at maskara. Isang lalaki, at mukhang siya ang sinusunod ng mga plant benders. Balak nilang atakihin ang village!
Mula noon, nilulubayan lang naman ng mga plant benders ang village dahil alam nilang wala naman silang makukuha sa mga tao doon. Pero ano 'tong balak nila ngayon? Hindi kaya ng konsensiya kong iwanan na lang silang ganito.
Dumaan ako sa isang shortcut pabalik ng village. Sana ay hindi pa huli ang lahat.
*****
Naabutan ko sina Dachi kasama ang iba pang mga grupo ng village protectors na nakalabas ang kanya-kanyang espada. Ang iba sa mga plant benders ay nililiyaban ang mga bahay.
"Dachi! Anong nangyayari?"
"Inaatake nila ang village!" sigaw ni Dachi at inabutan ako ng espada.
Tumakbo sila para makipaglaban sa mga plant benders. Naririnig ko ang mga sigaw ng mga tao at iyak ng mga bata. Lahat ay kaya nilang saktan, wala silang pinipili.
Limang kalaban ang umatake sa akin. Mabilis kong sinaksak ng espada ang isa, natumba siya kaagad. Na-slash ko ng blade sa dibdib ang umatake sa likod ko. Sinipa ko ang isa pa at binaon ang blade sa sikmura niya. Naramdaman ko ang vine na pumulupot sa leeg ko. Pinutol ko ito gamit ang espada ko.
Sunod-sunod kong inatake ang lahat ng lumapit sa akin. Nakita ko ang isang babae na hawak ang anak niya na aatakihin sana ng isang plant bender. Inangat ko ang espada para labanan ang attacker pero bigla na namang pumulupot nang maghigpit ang vines sa wrist ko. Nabitawan ko ang espada na tumalsik sa malayo.
Napalibutan ako ng mga kalaban, hindi ko na maabot ang espada ko. Kailangan kong ma-save ang mga villagers.
"Ino, tu... tulungan mo kami," pagmamakaawa ng babae habang umiiyak ang anak niya. Tumakbo ako sa harap niya para maprotektahan sila mula sa mga kalaban. Papalapit na sila sa amin, kailangan ko nang gumawa ng paraan.
Isang vine ang aktong hahampas sa direksiyon namin pero ginamit ko ang fire stoitha at nasunog ito. Ginamit ko ang earth stoitha para maangat ang isang parte ng lupa at matulak ang maraming plant benders na napapaligiran kami. Nang mawala na sila, tinulak ako ng babae.
"Isa kang... isa kang..." nanginginig ang kamay niyang nakaturo sa akin, "isa kang aima!"
Binuhat niya ang bata at tumakbo palayo. Hinanap ko sina Dachi. Nakita ko siya at ang grupo niyang hirap na sa pakikipaglaban sa napakarami pang plant benders. Halos buong village na ang nasusunog. Marami na akong nakikitang mga villagers na sugatan at nasasaktan, mga inosenteng taong walang kalaban-laban na inatake nila.
Limang taon kong pinigilang gamitin ang enistha ko, dahil ayaw kong makapanakit pa ulit ng tao, at ayaw kong malaman nila. Siguradong kakamuhian nila ako pagkatapos nito, pero wala na akong ibang paraan.
Nilahad ko ang kamay ko. Umihip ang malakas na hangin. Naramdaman ko kaagad ang mga zion nila, na para bang nakakonekta lahat sa akin na para bang may string, parang mga puppet na ako lang ang nakaka-control.
Huminto ang mga plant benders sa pag-atake. Nagmukha silang mga estatwang biglang tumigil sa paggalaw. Natigilan sina Dachi at ang mga kasamahan niyang nakikipaglaban.
"Ino!" gulat na sigaw sa akin ni Dachi. "Ikaw..."
Sumigaw rin ang isa na may halong takot at galit na nakatingin sa akin, "Isa siyang Urion!"
Ginamit ko ang Pliris para patalsikin ang mga plant benders. Naramdaman ko ang panghihina. Nabigla ang katawan ko sa dami ng zion na nahawakan ko, at sa limang taong hindi ko ginamit ang Pliris. Napaluhod ako sa lupa.
Nakita ko silang lahat na nakatingin sa akin. Marami ang nagbubulungan. Nakita ko sa mga mata nila ang galit at takot, samantalang si Dachi ay halatang dismayado.
"Isa siyang traydor!" sigaw nila.
Bago pa ako makatayo ay naramdaman ko ang pagbaon ng blade sa likod ko. Naramdaman ko ang sakit at panlalabo ng paningin ko. Napadapa ako sa lupa. Nakita ko silang tumatakbo papunta sa kung sinuman na nasa likod ko. Pero bago ko malaman kung sino 'yon, nagdilim ang paligid.
*****
???'S POV
Lumipad ang kutsilyo ko sa likod ni Karis. Nakita ko ang mga villager na tumakbo papunta sa akin. Sumipol ako ng tatlong nota sa isang plant bender at sumipol din siya. Isa iyong signal para itigil na ang pag-atake.
Unti-unti kaming umalis ng Mitra Village. Papasikat na ang araw, kailangan ko na ring bumalik sa kulungan ko.
Kung hindi ko napatay si Karis Urion ngayon gabi, ang mga villagers na ang bahala doon.
*****
A/N: This chapter is a turning point. Sorry if I write lame fight scenes. Mas maganda kasi ang fight scenes kung napapanood at hindi binabasa, pero hanggang pangarap lang na maging isang animation 'tong story. Anyway, I'm trying my best to update everyday. Na-appreciate ko ang mga votes niyo, lalong lalo na ang comments. Thanks for reading!
BINABASA MO ANG
The Lost Hero
Fantasy[Book 2; Sequel to The Lost Clan] Since the Owen Circle's defeat, Ignosi has been living in peace and harmony. Five years later, an old enemy comes back more powerful than ever. Only one person can defeat them, but she's nowhere to be seen. Will Kar...