KARIS URION'S POV
Sobrang sakiiiit ng ulo ko ngayong umaga. Hmph! Hangover na naman. Bakit kasi ang hilig nila magyaya tuwing gabi?
Tinignan ko ang oras. Lagot. Isang oras na akong late sa trabaho! Nagmadali akong magbihis at lumabas ng apartment na tinitirhan ko.
Simple lang ang pamumuhay sa Mitra Village. Hindi pa modern ang lugar na ito. Walang masyadong mga maiingay na makina. Gawa sa kahoy ang mga bahay. Napapaligiran ng mga puno, maganda rin ang view dahil nasa tuktok ng bundok. Kaya rin siguro hindi pa maabot ng technology ang lugar na ito kasi mahirap mapuntahan ang location ng village.
Ang pinakamahalaga ay puro non-aima ang mga naninirahan dito. Walang nakakakilala sa akin.
"Magandang umaga, Ino!" bati sa akin ng kapitbahay ko. Nag-bow ako sa kanila at bumati rin.
Pumunta ako sa lugar kung saan ako nagtatrabaho. Sa pub ng matandang si Rojin. May asawa siya, si Urusai, na matanda rin. Marami talagang matanda sa lugar na 'to. Sa umaga, si Urusai ang namamahala dahil siya ang nagluluto ng mga pagkain. Tapos sa gabi, si Rojin na kasi kadalasan ay maraming nag-iinuman sa gabi. Parehong masungit ang mag-asawang 'yon. Buti na lang may anak sila, si Dachi, na nakakasundo ko kahit papaano.
"At naisipan mo pang pumasok!" salubong sa akin ni Urusai sabay palo ng pamaypay niya sa ulo ko. "Anong oras na, babae! Hindi yung mga customer ko ang maghihintay sa'yo!"
"Oo na, ito na," sagot ko habang hinihimas ang ulo.
Isa akong waitress-slash-janitress sa pub na ito. Tiga-serve ng pagkain at inumin, tiga-linis ng lamesa at mga pinggan. Minsan, kung walang ibang ginagawa si Dachi, tutulong siya dito. Sa sitwasyon ko ngayong araw, mukhang wala si Dachi.
Nag-serve ako ng pagkain sa isang lamesa kung saan may limang lalaking nag-uusap. Nakasuot sila ng formal na damit. Mukhang mga dayo sila dito.
"... sigurado akong maraming mag-aabang sa results ng exams..."
"... marami sa aming nagpupustahan sinong grupo ang first place..."
Pagkabalik ko sa kusina, nagulat ako sa dami ng pagkaing nakatambak at naghihintay na ma-serve. Nakatanggap na naman ako ng palo kay Urusai. Nakakadami na 'to, ah!
"Ino, wag ka ngang babagal-bagal diyan! Marami tayong customer ngayong araw kaya ayus-ayusin mo ang kilos mo diyan!"
Kukunin ko na sana ang isang order para matapos na ang pagbubunganga niya nang sawayin niya na naman ako. Ano na naman bang problema ng matandang 'to?
"Ako na diyan, magsuklay ka muna!" masungit sa sigaw niya sabay kinuha ang tray sa kamay ko. "Tignan mo ang itsura mo! Hindi ako papayag na isipin ng mga dayo na mga gusgusin ang tauhan ko dito, ha! At ikaw nga, tigil-tigilan mo 'yang pakikipag-inuman kay Dachi... hay nako, isa pa 'yon..."
BINABASA MO ANG
The Lost Hero
Fantastik[Book 2; Sequel to The Lost Clan] Since the Owen Circle's defeat, Ignosi has been living in peace and harmony. Five years later, an old enemy comes back more powerful than ever. Only one person can defeat them, but she's nowhere to be seen. Will Kar...