KARIS URION'S POV
Nag-stay ako sa flat ni Naiyah. Siya lang daw ang mag-isang naninirahan dito. Sinabi niya sa akin na may iniimbestigahan sina Julian at Damian. Kapag tama na daw ang oras, baka matanggap na ako ulit ng Ignosi.
May dumating na limousine sa labas. Hala, may tao. Wala pa naman si Naiyah ngayon, nasa trabaho niya bilang secretary ni Julian. Ni-lock ko ang pinto at sinarado lahat ng bintana, pinatay ko na rin ang ilaw. Sumilip ako nang bahagya sa bintana para tignan kung sino sila. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sila.
"Hello, Miss Meagan? Nandito na kami sa address na sinabi mo?" kausap niya si Naiyah sa phone.
Binuksan ko ulit ang ilaw at pumunta sa pinto para salubungin sila. Bago pa sila makakatok, binuksan ko na ito.
"Madame Carissa!" bati ko.
Mukhang hindi siya makapaniwalang makita ako.
"Sa loob na tayo mag-usap, delikadong my makakita pa sa kanya," sabi ni Master Devan at pumasok na sila.
Ngayon ko lang napansin ang maliit na batang babae na nakahawak sa kamay ni Madame Carissa. Ito na ba yung baby na dinadala niya dati?
"Hina, this is your Ate Karis," sinabi ni Madame Carissa sa anak niya. "Anong sasabihin mo?"
"He...hello, Ate Kar...karis..." mahinang sabi ni Hina.
Ngumiti ako, "Hello, Hina."
Napatingin ako kina Madame Carissa at Master Devan habang nakikipag-usap kay Hina. Nakangiti sila habang pinapanood kami.
Lumipas ang limang taon na iniisip ko lang ay magiging mag-isa ako hahang buhay. Ngayon ko lang naalala. May pamilya pa pala ako.
*****
DAMIAN PHYLLIS' POV
I slapped the table because of my frustration. Dennis didn't even flinch, "Sabihin mo sa akin kung nasaan ka buong gabi."
Wala siyang reaction. Nakatingin siya sa kawalan. Hindi ko mabasa ang expression niya.
Tinignan ko ang tinted screen ng interrogation room. Kalahating oras na kaming naghihintay kung kelan siya magsasalita. Habang tumatagal, mas nadadagdagan lang ang possibility na si Metafora nga ang nasa katawan niya.
"Hindi ka si Dennis," I pointed out. "Ginagamit mo lang ang katawan niya."
Pinanood ko ang magiging reaction niya. He sat quietly for a few minutes more, until I heard him laughing. A kind of laugh that no sane person could've done.
"Anong gagawin mo?" he asked, amused. Ngayon lang siya nagsalita, pagkatapos ng lahat. "Wala kang laban sa akin, Phyllis."
Nag-gesture ako sa mga nanonood sa amin sa labas para hayaan muna kaming mag-usap.
"Paano mo nasira ang zion-cancelling tha?"
Ngumiti lang siya at hindi sumagot.
"Sumagot ka kung gusto mo pang bumalik sa dati mong katawan."
BINABASA MO ANG
The Lost Hero
Fantasy[Book 2; Sequel to The Lost Clan] Since the Owen Circle's defeat, Ignosi has been living in peace and harmony. Five years later, an old enemy comes back more powerful than ever. Only one person can defeat them, but she's nowhere to be seen. Will Kar...