AILEY EZIO'S POV
Pagkatapos ng seven hours na biyahe sa bus, gabi na kami nakarating pabalik ng Akri City.
Noong inatake kami noon isang gabi ng mga plant benders, lahat ng examinee ay hinanap nila sa buong forest. Nang mahanap lahat, inannounce na cancelled ang exams. Maghintay na lang daw sa mga karagdagan pang announcements.
Sinilip ko ang bintana. Nandito na kami sa arena ng Akri City. Nakita ko sina Kuya Julian sa stage. Wala pa akong ibang pinagsabihan tungkol sa pagkakakita ko kay Ate Karis, dahil alam kong delikado. Pero alam kong mapagkakatiwalaan si Kuya Julian at ang Fandj Squad.
Patayo na sana ako nang may bumangga nang malakas sa balikat ko. Isa sa mga examinee.
"Dahil 'to sayo, Ezio," sabi niya nang masama ang tingin sa akin. "Na-cancel ang exams dahil sayo."
Humarap ako sa kanya. Kahit mas matangkad siya sa akin, hindi ako natatakot. Magsasalita na sana ako nang biglang...
"Hoy, itigil niyo nga yan," biglang sumabat si Nilo Urion-Devan. Humarap siya doon sa bumangga sa akin. "Kung gusto mo, ikaw sana yung inatake ng mga plant benders."
Tinignan niya muna ako at si Devan mula ulo hanggang naglakad paalis habang bumubulong, "Palibhasa mga galing sa enistha clans..."
Nang makaalis na siya, ngumiti sa akin nang mapang-asar si Devan. Sinuntok niya ako nang mahina sa balikat. Tinignan ko siya nang may pagtatakha.
"Wag kang kiligin diyan, Ezio, we're still rivals. Kapag natuloy na ang legion exams, ako mismo ang kukuha ng flag niyo."
"Aba, hoy!" sigaw ko pero nauna na siyang nakababa ng bus.
*****
"Ayos ka lang ba? Wala ka bang injuries?"
"Wala po, kuya..."
"Hindi ka ba natamaan ng poison spikes nila?"
"Hindi nga po..."
"Wala ka bang..."
"Wala nga po!"
Natigilan si Kuya Julian. Napalakas ata yung sigaw ko. Eh kasi, ang kulit-kulit. Sabi nang hindi naman ako masyadong nasaktan ng mga plant benders. Kaya minsan nakakahiya kasama 'to eh, ang OA. Sabagay, hindi ko naman siya masisisi. Magmula nang mawala si ate...
"Pagpasensiyahan mo na yang pinsan mo, overprotective lang," natutuwang sabi ni Ate Naiyah at ginulo ang buhok ko.
Kumpleto ang Fandj Squad ngayon. Si Kuya Julian, Ate Naiyah, Ate Falline, Kuya Damian, at Kuya Pierce. Sinamaan ko sila ng tingin.
"Kaya ba nandoon si Kuya Pierce, ha, kuya?" tanong ko. Biglang nabuga ni Kuya Damian yung tubig na iniinom niya.
"Na...nandoon ako dahil sa mission," sagot ni Kuya Pierce.
"Ahh, mission para bantayan po yung team ko, ganun po?" tanong ko sa kanya. Hindi siya nakasagot at tumingin kay Kuya Julian. "Wala ka na bang tiwala sa akin, kuya? Kaya ko naman ang sarili ko. Paano kung nakita si Kuya Pierce, edi na-disqualified kami."
BINABASA MO ANG
The Lost Hero
Fantasy[Book 2; Sequel to The Lost Clan] Since the Owen Circle's defeat, Ignosi has been living in peace and harmony. Five years later, an old enemy comes back more powerful than ever. Only one person can defeat them, but she's nowhere to be seen. Will Kar...