Nagsimula ang countdown. One minute bago official na magsimula ang exams at mag-unahan kami papunta sa tuktok ng Mount Ypsilos. Nasa bag ni Sive ang green flag namin.
"Anong plano mo, Ailey?" tanong sa akin ni Kim.
"Ang plano ngayon ay tumakbo at magtago sa gubat," tinignan ko ang grupo nila Urion. "Lumayo tayo sa mga competitive na grupo, lalong lalo na kay Devan."
"Pero paano tayo makakakuha ng flag?" tanong ni Sive.
Tinignan ko ang mala-gubat na dadaanan natin, makikita ang anino ng Mount Ypsilos sa kalayuan.
"Seven hours ang biyahe mula dito papunta sa Mount Ypsilos, pero hindi tayo sasakay ng bus," sagot ko. "Pwedeng umabit ng dalawang araw ang exams, maraming pwedeng mangyari."
Parehas silang tumango.
"The main plan now is to stay safe."
Tinignan ko ang oras na naka-flash sa malaking screen ng arena. Last ten seconds. Any moment now, the legion exams will start.
Help us, my great ancestor Lord Ezio.
*****
JULIAN EZIO'S POV
A gunshot was heard, the legion exams officially started. I looked at my fifteen-year-old cousin as she raced away to the forests with her team. I felt someone put their hand on my shoulder.
"Huwag kang mag-alala, Julian," sabi ni Master Parel. "Siguradong makakapasa ang pinsan mo. Isa siyang Ezio!"
Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko, "Siguraduhin niyong wala siyang galos na makakarating sa dulo ng exams."
"Hindi naman masamang magkasugat paminsan-minsan. Ayaw mo bang hayaang patunayan muna ang sarili niya?"
"Fifteen palang si Ailey. Eighteen si Alvy noon," I said with emphasis. "Sila na lang ang natitirang pamilya ko."
Hindi nakapagsalita si Parel at tumango na lang. Nagbigay siya ng hand signals sa mga tauhan niya. Tumayo ako at sinalubong si Naiyah na nakikipag-usap sa head ng clan niya. When they finished talking, Lady Meagan left and Naiyah turned to me.
"Sorry, nadala lang ako sa usapan namin ni auntie," she said. "Hindi ka man lang ba nagpaalam kay Ailey?"
"That's none of your business. Kailangan kong makausap si Pierce Theo," I said as I walk away.
Narinig ko pa ang bulong ni Meagan, "Kung makapagsungit naman 'to, 'kala mo matandang iniwan ng asawa."
BINABASA MO ANG
The Lost Hero
Fantasy[Book 2; Sequel to The Lost Clan] Since the Owen Circle's defeat, Ignosi has been living in peace and harmony. Five years later, an old enemy comes back more powerful than ever. Only one person can defeat them, but she's nowhere to be seen. Will Kar...