JULIAN EZIO'S POV
"Hindi ka ba pupunta?"
Nakatingin ako sa buong city, mula sa glass screen ng office ko sa 58th floor. It's been my habit, to exercise my theama.
"Julian."
I went back to reality when I heard Naiyah Meagan's voice call me.
"It's Sir Ezio now, Miss Meagan," sagot ko. "Ilang beses ko bang ipapaalala 'yon sa'yo? I'm your boss now."
"Tsk! Kaya lang naman ako pumayag na maging secretary mo kasi inadvise sa akin nina Damian at Falline!" rinig ko ang inis sa boses niya. "Kung makapagsalita ka, parang hindi ka rin naging parte ng Fandj Squad!"
Fandj Squad. That name makes me want to kill someone.
"What were you trying to say?" I asked, changing the topic.
Her calm demeanor came back, "Tinatanong ko kung may balak kang pumunta sa Choros Academy. Ngayon ang simula ng Legion Exams. Maraming nag-aabang sa inspirational speech mo."
Binalik ko ang tingin sa city. Ah, legion exams na pala. It's just four years ago when the academy first opened, ngayon magkakaroon na ng unang Legion Exams. Ang exam na iyon ay sinasala kung sino ang karapat-dapat na maging isang ganap na trainee ng National Legions.
Everyone wants to be a soldier these days, ever since our heroic act five years ago...
"Julian? Earth to Julian?"
Tumayo ako at humarap kay Meagan, "Let's go."
*****
AILEY EZIO'S POV
Ngayon ang legion exams. Nakatipon kaming lahat sa arena sa Akri City. Sa stage ay nakita ko ang matandang headmaster namin na si Master Parel, sa magkabilang side niya ay nakaupo ang mga matatanda ring heads ng enistha clans na nag-fund sa academy, sina Master Phyllis, Master Galena, Lady Meagan, at...
"Kuya Julian!" sigaw ko. Hindi lang ako ang napasigaw nang dumating si Kuya Julian at umupo rin sa seat niya sa stage.
Narinig ko ang tili ng isang kong teammate na si Kim, "Waaaah! Ang gwapo talaga ni Young Master Ezio!"
"Tsk!" narinig ko naman ang isa ko pang teammate na si Sive, "Mas gwapo pa ako diyan, eh!"
Pinalo ko sila nang mahina sa balikat, "Pinsan ko yan, hoy! Tsaka, mag-focus kayo. Any moment, magsisimula na ang exams."
Hindi nagtagal, nagsimula na ang speech ni Headmaster Parel, rinig ang boses niyang garalgal sa buong arena, "Magandang umaga, mga future legionnaires!"
"Yeah!"
"Woooh!"
Nagsigawan kami sa pagbati ni headmaster.
"Ngayon ang araw na masusukat ang kakayahan ninyo kung karapat-dapat ba kayong magsilbi sa bansang ito. Sa exams na ito masusukat ang inyong strategy, power, skills, at teamwork. Masusukat din ang mga natutunan niyo bilang aima na mag-aaral ng Choros Academy," tahimik kami hahang nakikinig sa speech niya. "Dalawampung apat na teams ang kasali sa exams na ito. Ang bawat teams ay mayroong tatlong miyembro, isa sa kanila ang magsisilbing pinuno. Lahat ng pinuno ng mga teams, tumayo kayo."
BINABASA MO ANG
The Lost Hero
Fantasy[Book 2; Sequel to The Lost Clan] Since the Owen Circle's defeat, Ignosi has been living in peace and harmony. Five years later, an old enemy comes back more powerful than ever. Only one person can defeat them, but she's nowhere to be seen. Will Kar...