CH.18 WMNMMC

1K 25 4
                                    

CH.18

TRUTH HURTS

Kimberly' POV

Naiinis ako kay kuya bakit ba kase si Ella pa yung nagustuhan niya samantalang di hamak naman na mas maganda si Alex .

Aishh ! naiinis talaga ako . Kung hindi ko talaga mahal si Kuya Lloyd di ko talaga to gagawin eh . Asar talaga mamaya mag ka allergy pako sa babaeng to at mahawa pako sa kalandian .

Marahas kong tinakpan yung mata niya as if kasi na gusto kong hawakan tong panget nato .

Ramdam kong kabang kaba siya at pawis na pawis na siya ngayon halos kaladkadin ko na kase siya eh.Kay Jessie ko sana ipapagawa at tsaka kay Lorraine eh kase busy sila sa pagkain samantalamg ako , ito may kasamang panget.

Sorry talaga Alex di ko ginusto to . Tsaka isa parin naman siyang Gaga at kalahati kase can you imagine na ang isang Kyle Lloyd Lee maging boyfriend mo ay nako pinakawalan pa ni tanga kala kase pag nakipagbreak sya hahabulin sya ni Kuya yan tuloy nakita si Ella edi nganga siya ngayon , siya nakipag break siya din pala hahabol .

Nakarating na kame sa Rooftop at kame nalang pala yung hinihintay ayos na lahat naka pwesto na sila Ella at ako na nakatalikod sa kanila . Tapos si Kuya Lloyd naman ito nasa harap nila yung nakatalikod kame sa kanya tapos siya nakaharap sa likod namin , may hawak siyang tatlong puting bulaklak , sinenyasan nya ako na alisin ko na daw yung panyo . Pag kaalis ko ng panyo , sinabe ko na wag muna siyang didilat , sinunod naman niya ako .

Binitawan ko na siya at hinawakan ni Kuya yung kamay niya at at dumilat na siya , nakatingin lang si Kuya sa kanya seryosong seryoso yung mukha .

----- Teka nahihirapan na ata si Kimberly . Si Queen na lang mag tutuloy haha ! Ayaw kong nahihirapan si Kimmy eh ---

(Queens POV) ibig sabihin 3rd person's pov , sabihin  na nating pov ni AUTHOR haha ! Okay masyado na kong maraming sinasabe tutuloy ko na yung kwento .

Seryosong seryoso ang mukha ni Kyle habang nakatingin kay Ella inabot niya ang tatlong puting rosas kay Ella . Gulat na gulat si Ella sa mga nangyayari ngayon . Tila wala siyang ideya kung para saan ito . Kung para sa sorry ba dahil sa hindi pag pansin ni Lloyd sa kanya o ano ba talaga . Halata sa mukha niya ang pagtataka.

"Kuya makakaalis na ba ako ? Hinihintay pa ako ni Inigo ." Sabat ni Kimbely . Kahit kailan talaga panira siya ng moment nitong dalawa .

Lumingon si Lloyd kay  Kimberly at tumango tango bilang sagot . Nagmamadali naman itong umalis pagkatapos makuha ang sagot .

Alex's POV

Yayayain ko sana na makasabay kumain si Kimmy para masabe ko sakanya yung plano ko para sa dalawa . Kasalukuyan akong papunta sa room nya ngayon . Nagulat ako kase pagpunta ko sa classroom niya sabi nung isang babae papunta daw siya sa room namin , I decided to go back para maabutan siya . Siguro pinuntahan niya ako . Ang sweet talaga ni Kimmy kahit kelan , loyal na loyal at higit sa lahat mas boto sya sa akin . Malapit na ako sa room at nakita ko si Kimmy na hinihila si Ella paakyat , dahan dahan ko sang sinundan para hindi nila ako mahalata at makita . Siguro mag propopose na si Lloyd ngayon na maging Boyfriend ng malanding babaeng to . Nakakaasar lang nasa oras nato feeling ko tinraydor ako ni Kimmy pero may tiwala ako sa kanya siguro napag utusan lang siya ni Lloyd .

Nakarating na kame sa rooftop at nakatago lang ako sa isang lugar na di makikita . Maya maya lang nakita ko si Kimmy na nag mamadaling tumakbo palabas . Siguro niyaya siya ni Inigo na kumain .

Tss ! Mabilis pa sa alas kwatro yan pag si Inigo yung pinag-uusapan , BTW kung titignan mo tong rooftop ngayon sobrang ganda , makakakita ka ng mga banner , balloons , at puso ang hugis ng mga bagay na karamihang makikita mo ngayon   nag kalat na pulang petals sa sahig at lamesang may dalawang upuan . Naalala ko tuloy yung first date nmmamin ni Lloyd , haaaayys . Ay teka putik . Ito na yung pinakakatakutan kong mangyari at ito narin ang oras na matagal ko nang pinagdarasal na wag mag katotoo ang oras na makahanap siya ng iba . SH*T !!

When Ms.NBSB meets Mr.Casanova (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon